Responsive Ad

Boss Toyo binigyan ng pabuya 2 lalaking sumagip sa batang inanod ng baha

Boss Toyo binigyan ng pabuya 2 lalaking sumagip sa batang inanod ng baha
Boss Toyo at ang dalawang ‘bayani’ na sumagip sa batang inanod ng baha sa Quezon City

BINIGYAN ng pabuya ng negosyante at social media personality na si Boss Toyo ang dalawang lalaking nagligtas sa batang lalaking nahulog sa rumaragasang baha sa Batasan Hills, Quezon City.

Nangyari ang naturahg aksidente sa kasagsagan ng matinding pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at kalapit probinsya dulot ng habagat.

Sa Facebook post ni Boss Toyo, makikita ang video kung saan sinaluduhan at pinasalamatan niya ang mga lalaking tinawag niyang mga tunay na bayani.

Niregaluhan niya ang mga ito ng cellphone at cash bilabg pasasalamat at pagkilala sa kabayanihang ipinamalas nila sa panahon ng kalamidad.

Sey ni Boss Toyo, ang tulad ng dalawang lalaki ang karapat-dapat na bigyan ng reward dahil talagang ibinuwis nila ang kanilang buhay para mailigtas lamang ang batang tinangay ng baha.

“Eto na ang mga tunay na bagong bayani na nagligtas dun sa bata na dinala ng rumaragasang baha. bingyan ntin sila ng cellphone at cash bawat isa.

“Bilib ako sa knila sa kwnto nila pano nila nasagip un bata. salamat sa inyo!!” ang papuri pa ni Boss Toyo sa dalawang “bayani.”

Kung hindi raw naglakas-loob na tumalon sa rumaragasang baha ang mga ito ay sigurado raw na wala na ngayon ang batang kanilang nasagip.

Narito ang ilan sa comments ng netizens sa pagbibigay ng pabuya ni Boss Toyo.

“Buti naman nacorect ni boss toyo. give credit where it is due. marami pa sana ganyan ,di nagdadalaqang isip sa pagtulong me reward man o wala kasi ke Lord mas malaki reward yan.”

“Good job idol.. And to your supportive wife.”

“Ang tunay talaga is yung walang dalawang isip tumalon sa sobrang lakas na tubig.”

“Nakaka proud kayo at thank u na nabigyan din Sila na deserve din nila na credit na mapasalamatan kahit pasalamat lang malaking bagay na bonus na reward if meron. good job sir.vernie at salamat boss toyo.”

“Yan dapat may reward hindi galing sa….salute ako sainyo mga bro…mga kabayan ibuwis ang buhay para saisang batang kailangan iligtas.”

The post Boss Toyo binigyan ng pabuya 2 lalaking sumagip sa batang inanod ng baha appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments