Responsive Ad

Fil-Canadian travel-vlogger Kulas, misis nakisayaw sa Obando, Bulacan

Fil-Canadian travel-vlogger na si Kulas, misis nakisayaw sa Obando

Kyle Jennermann a.k.a. Kulas at Therine Diquit

ENJOY na enjoy ang kilalang Filipino-Canadian travel vlogger na si Kyle Jennermann o “Kulas” at misis niyang si Therine Diquit sa selebrasyon ng “Sayaw sa Obando“.

Talagang nakisayaw din nang bonggang-bongga sina Kulas at Therine sa naturang event last Sunday, May18, na ginanap sa National Shrine of Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción de Salambao sa Obando, Bulacan.

Ito ay isa sa pinakamatandang tradisyon sa Pilipinas kung saan nagsasayaw ng mga mag-asawa sa Obando para ipagdasal ang pagkakaroon ng anak.

Karaniwang dumadalo rito ang mga mag-asawang matagal nang nagsasama pero hindi pa nabibiyaan ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Jennermann (@becomingfilipino)


“The National Shrine of Our Lady of Salambao. Today is the first of three days of Fiesta in Obando, Bulacan. Stopped by this evening,” ang mababasa sa caption ng Facebook post ni Kulas.

Makikita sa FB post ng sikat na travel vlogger ang mga litrato ng kanyang wifey habang nakikisayaw at nakikisaya sa naturang annual celebration.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang pagsasayaw ng mga mag-asawang hindi magkaanak sa Obando, Bulacan ay kilala rin sa tawag na Obando Fertility Dance o Obando Dance Festival.

Naniniwala ang ating mga ninuno noon na maaaring mabigyang-katuparan ang kagustuhan ng mga mag-asawa na mabuntis at mabiyayaan ng supling.

In fairness, hanggang ngayon ay marami pa ring nagsasayaw sa Obanda upang ipakita ang kanilang pananampalataya sa Panginoon kasabay ng kahilingan na magkaroon ng anak.

Ginaganap ang tradisyon na ito tuwing buwan ng Mayo sa bayan ng Obando kung saan binibigyang-pugay sa mga santong sina San Pascual Baylon, Santa Clara, at Nuestra Señora de Salambao.

The post Fil-Canadian travel-vlogger Kulas, misis nakisayaw sa Obando, Bulacan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments