Ashtine Olviga sinuwerte sa loveteam nila ni Andres; may sarili nang perfume
Andres Muhlach at Ashtine Olviga
TANGGAP na tanggap ng promising Viva Artists Agency (VAA) talent na si Ashtine Olviga ang komento ng ilang netizens na hindi sila bagay ni Andres Muhlach bilang loveteam.
In fairness, unti-unti nang nakakagawa ng sarili niyang pangalan si Ashtine sa mundo ng showbiz, patunay diyan ang matagumpay na online series nila ni Andres na “Ang Mutya ng Section E.”
Isa pang resibo ng kasikatan ng young actress ay ang pagdami pa ng kanyang social media followers – umabot na sa halos 2 million ang followers niya sa Instagram at more than 7 million naman sa TikTok.
At dahil nga sa tagumpay ng loveteam nila ni Andres sa “Ang Mutya ng Section E” na unang napanood sa streaming platform na Viva One, mapapanood na rin ito simula ngayong linggo sa TV5.
Ilang taon na rin si Ashtine sa showbiz pero sa naturang serye talaga siya nakilala nang bonggang-bongga. Pero as expected, may mga tao pa ring hindi masaya sa tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
Sa media launch ng bago niyang endorsement at newest collaboration niya with Viva Beauty Corporation, ang Ash Scent Beyond Gender, a unisex Eau de Parfum, natanong nga si Ashtine tungkol sa mga nagsasabing hindi sila bagay ni Andres bilang screen partners.
“Tama naman sila (natawa)! Oo naman, nag-agree naman ako du’n. Pero nag-hit naman kami. Kung minsan natatawa na lang ako.
“Saka hindi ko na lang din ini-entertain yung mga comment about that. Ang importante naman po ay yung pinagbubuti at seryoso kami sa pagtatrabaho para na rin sa supporters namin,” tugon ni Ashtine
May sinasabi ba sa kanya si Andres tungkol sa mga negative comment sa loveteam nila? “Minsan sinasabi niya na ‘wag na lang daw akong magbasa ng negative comment or ‘wag mong damdamin ‘yung mga nababasa mo.”
Isa pa sa mga question kay Ashtine ay kung ano ang reaksyon niya sa mga comment ng fans na parang sila ang ginu-groom ng Viva bilang next JaDine (James Reid at Nadine Lustre) loveteam?
View this post on Instagram
“Siguro sobrang blessed lang po talaga kung ganoon ang mangyayari. Kung hindi man for sure ay may ibang magandang mangyayari sa career namin,” ani Ashtine.
Sundot na tanong sa kanya kung naa-attract ba siya sa kagwapuhan ni Andres, “Siyempre naa-attract naman pero mas na-attract ako sa personality niya kasi sobrang bait talaga ni Andres sa akin.”
Samantala, proud na ibinandera ni Ashtine na isa na rin siyang entrepreneur ngayon dahil nga sa pakikipag-collab niya sa Viva Beauty.
May sarili nang perfume ngayon ang ka-loveteam ni Andres, ang ASH Perfume na ni-launch nga sa isang presscon last Thursday, May 15 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
“Sobrang thankful po talaga ako sa Viva kasi binuksan po nila ako ng bagong opportunity para ma-open din po sa business world. At the same time, may guidance din po nila,” aniya.
“Sobrang thankful po ako sa kanila kasi if na-try ko po ‘to mag-isa, sobrang alam kong mahihirapan po ako at hindi ko po siya magagawa talaga on my own,” dugtong ng dalaga.
Paglalarawan niya sa naturang pabango, “Sweet siya, may touch din siya ng vanilla. Siniguro ko rin na pwede rin po siya sa panlalaki kasi minsan may mood ako na minsan maangas ako kaya ‘yun din ‘yong pinili ko and, at the same time, may pagkasweet pa din siya.”
View this post on Instagram
Hindi pa rin daw siya makapaniwala sa magagandang opportunities na ibinibigay sa kanya ng Viva, kaya naman super thankful and feeling grateful siya kay Lord.
“Sobrang lahat po ng nangyayari ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. ‘Yung fact na nagka-work po ako, na nagkaroon po ng ‘Mutya’, sobrang okay na po ako doon, sobrang malaking blessing na po ‘yon sa akin. Sobrang bonus po na kinagat po at minahal po kami ng mga tao,” aniya pa.
Partikular ding pinasalamatan ni Ashtine si Boss Vic del Rosario na siyang pumili sa kanya na gumanap bilang Jay-Jay Mariano sa “Ang Mutya ng Section E”.
“Una po talaga, siya po ‘yong unang naniwala sa akin. I’m sure, hindi ko po makukuha ‘to lahat kung hindi po siya naniwala sa akin,” ani Ashtine.
ASH Perfume is available at the official TikTok shop of Viva Beauty.
The post Ashtine Olviga sinuwerte sa loveteam nila ni Andres; may sarili nang perfume appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments