Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes
SA gitna ng kanyang kampanya sa Bicol Region, ipinahayag ni senatorial candidate Camille Villar ang kanyang matibay na suporta sa industriya ng abaca ng Catanduanes, ang tinaguriang abaca capital ng Pilipinas at pangunahing tagagawa ng abaca sa buong mundo.
“Congratulations po sa pagiging world’s top producer of abaca,” sey ni Villar sa mga taga-Catanduanes.
“Dahil dito, buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan. Proud po kami sa inyong industriya dahil ang abaca ay kilala bilang world’s strongest fiber,” dagdag niya.
Binanggit ni Villar ang kahalagahan ng abaca hindi lamang sa lokal na ekonomiya kundi maging sa pandaigdigang merkado, kung saan ginagamit ito ng mga kilalang Filipino designers para sa kanilang mga proyekto.
Baka Bet Mo: Camille Villar pinuri ang mga birtud ng ‘Masonry’ sa Grand Lodge Gathering
Kabilang sa kanyang mga plano ang pagpapalakas pa ng agrikultura at lokal na kalakalan upang lumikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture, may 36,853 ektarya ng abaca production areas sa Catanduanes, na pinangangasiwaan ng tinatayang 15,000 abacaleros.
Binigyang-diin ni Villar ang pangangailangan na mapanatiling mataas ang kalidad ng produksyon ng abaca at matiyak na ang mga magsasaka ay nakikinabang sa patas na presyo sa merkado.
“Tuloy-tuloy nating palalakasin ang sektor ng agrikultura, at sisiguruhin nating may sapat na suporta ang mga abaca farmers,” wika ni Villar.
Idinagdag pa niya na kailangang palawakin ang tulong hindi lamang sa Catanduanes kundi sa buong Bicol Region.

“I share the same vision with all of you,” sabi pa niya.
Aniya pa, “Itutuloy-tuloy natin ang suporta sa inyong probinsya at sa buong rehiyon para manatili tayong nangunguna sa industriya ng abaca.”
Ang pagbisita ni Villar ay bahagi ng kanyang adbokasiya para sa mga lokal na industriya, agrikultura, at pagpapalakas ng kabuhayan sa mga lalawigan bilang pundasyon ng pambansang kaunlaran.
The post Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed

Post a Comment
0 Comments