Responsive Ad

Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba?

Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba?

HOW true ang mga kumakalat na chika na tila on the rocks na ang relasyon ng dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Lou Yanong at Filipino-German model na si Kirk Bondad?

Naglipana ang tsismis ukol sa dalawa matapos mamataan ng mga matanglawin na netizens na naka-unfollow na ang PBB alumna kay Kirk sa Instagram.

Bukod pa rito, mapapansin rin na tila wala na ang nga larawan nilang dalawa together sa Instagram feed ni Lou na kuha mula sa kanilang Palawan trip.

Ngunit nang bisitahin naman namin ang Instagram account ni Kirk ay pina-follow pa rin nito ang dalaga.

Baka Bet Mo: Lou Yanong super winner daw, dyowa na ba si Kirk Bondad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At kung kay Lou ay tila burado na ang kanilang mga larawan, sa account ni Kirk ay naroon pa rin ang mga larawan nilang magkasama.

May mga netizens rin na nang-iintriga kung may kinalaman nga ba ang Miss Universe Philippines 2025 frontliner na si Ahtisa Manalo sa caption ng isa sa kanyang TikTok video na “ang arte na naman niya”.

Ngunit agad naman itong pinalagan ni Lou at sinabing,”Ahtisa’s a sweetheart. Don’t do this.”

Matatandaang nagkapareha sa isang recent bridal fashion show sina Kirk at Ahtisa.

Sa kabila ng mga naglalabasang isyu ay wala pa namang direktang pahayag sina Lou at Kirk sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang October 2024 nang i-hard launch ni Kirk ang relasyon nila ng dating PBB housemate nag ibandera nito ang photos at videos nila together sa kanilang Palawan trip.

The post Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments