Responsive Ad

8 nasawi sa malagim na SCTEX accident patungo sana sa religious youth camp

8 nasawi sa malagim na SCTEX accident patungo sana sa religious youth camp

Photo: Screengrab from Seventh-day Adventist Church Antipolo City Facebook Live

WALO sa mga nasawi sa naganap na malagim na aksidente sa SCTEX nitong Labor Day, May 1, ay mga miyembro ng Seventh-day Adventist Church Antipolo City.

Nagluluksa sila ngayon dahil sa sinapit ng kanilang mga kasamahan na ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad ay patungo sana sa Pangasinan.

Nakasakay ang mga nasawing biktima sa isang van nang maipit at mayupi ito matapos mabangga ng isang bus habang nakapila sila sa toll gate.

Ayon sa panayam ng media kay Jasper Carpio, ang resident doctor ng Tarlac Provincial Hospital, kung saan isinugod ang mga biktima, 4 years old ang pinakabatang nasawi sa aksidente.

Sa official Facebook page ng Seventh-day Adventist Church Antipolo City, makikitang nakaburol ang walong nasawing pasahero ng van sa kanilang simbahan.

Narito ang nakalagay na caption sa kanilang post: “With deep sorrow and heavy hearts, we announce the passing of our beloved church members, who tragically lost their lives in a car accident last May 1, 2025. They are cherished part of our church family—faithful in worship, kind in spirit, and generous in love.

“We invite all church members, friends, and loved ones to join us in remembering and honoring their lives.

“Our church will cater their wakes starting May 2, 2025. Seventh-day Adventist Church Antipolo City

“Let us come together to comfort one another, celebrate their lives, and find strength in our shared faith.

“’Blessed are those who mourn, for they shall be comforted.’ – Matthew 5:4.

“Please continue to keep the Murillo, Tuazon, Rosas, AƱonuevo, Duran & Pagalilauan families in your prayers during this time of profound grief.”

Nagimbal ang lahat nang maganap ang aksidente noong May 1, nang salpukin ng isang bus ang pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay.

Sampung katao ang nasawi habang mahigit sa 30 ang nasugatan na agad namang itinakbo sa iba’t ibang ospital.

Kinabukasan, May 2, kinumpirma ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan sa mga nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang patungo sana sa children’s camp.

Pahayag ni Marvin Guiang, hepe ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), walo sa mga nasawi ay pasahero ng isang Nissan Urvan na nagmula sa Antipolo City at patungong Pangasinan para sa isang religious youth camp.

“Marami po talaga yung nasa Nissan Urvan. Kasi siyam po ang sakay, walo po du’n ang namatay. Actually,apat po yung bata, apat po yung adult,” ani Guiang sa isang panayam.

Dalawa pa sa mga nasawi ay sakay ng isang SUV na patungo sa Baguio City para magbakasyon habang nakaligtas ang kanilang 2-anyos na anak na nagtamo lamang ng minor injuries.

“Di namin akalain na may bata pa sa loob. Naka-child seat siya. During the extrication po, wala kaming narinig na iyak ng bata or kumakatok. Wala po talaga kaming narinig. Until such time na nabuksan namin ‘yung kotse, tsaka nakita ‘yung bata,” saad pa ni Guiang.

Nasa 30 naman ang sugatan sa aksidente kabilang ang ilang pasahero ng bus.

The post 8 nasawi sa malagim na SCTEX accident patungo sana sa religious youth camp appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments