Responsive Ad

Rikki Mae Davao nakiusap, ‘wag i-post mga litrato ni Ricky sa ospital

Rikki Mae Davao nakiusap na 'wag nang i-post mga litrato ni Ricky sa ospital

Ricky Davao at Rikki Mae Davao

MAY pakiusap si Rikki Mae Davao, ang anak ng namayapang aktor na si Ricky Davao, sa lahat ng mga kaibigan ng aktor sa loob at labas ng entertainment industry.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Rikki Mae ang kanyang panawagan na sana’y huwag nang i-share sa social media ang mga litrato ng ama noong nakaratay pa ito sa ospital.

Mukhang may kinalaman ang pakiusap ni Rikki sa pagpo-post umano ng isang kaibigan ng yumaong veteran actor at direktor na dumalaw noong nabubuhay pa ito at naka-confine sa ospital.

Balitang ibinahagi ng kaibigan ng aktor sa social media ang litrato ng pagbisita niya kay Ricky pero binura rin niya ito makalipas ang ilang oras.

Narito ang pakiusap ni Rikki Mae sa lahat ng taong nabigyan ng pagkakataon na makadalaw kay Ricky sa ospital noong nakikipaglaban pa ito sa kanyang karamadaman.

“For those that were trusted to visit my dad in the hospital, please do not post photos of him during this time out of respect for his privacy. Thank you,” apela ni Rikki Mae na nag-aartista na rin ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May ilang mga taga-entertainment industry na nakakaalam sa health condition ni Ricky Davao pero hindi nila ito ipinagsasabi sa iba sa pakiusap na rin ng kanyang pamilya.

Kaya naman talagang nagulat ang ilang kaibigan niya sa showbiz nang biglang mabalita na namaalam na siya dahil sa cancer.

Nauna rito, ibinahagi nga ng pamilya ni Ricky Davao ang detalye sa kanyang burol. Nagsimula kahapon, May 4 ang lamay para sa labi ng aktor sa Heritage Park sa Taguig City na para lamang sa “family and friends.”

Ngayong araw, May 5, maaaring dumalaw ang mga nagmamahal kay Ricky mula from 2 p.m. hanggang 11 p.m kung saan magkakaroon din ng Christian service at 6:30 p.m..

A family tribute will be held on Tuesday, May 6 from 2 p.m. to 11 p.m. There will be a novena Mass at 7 p.m.. At sa Miyerkules, May 7, magsisimula ang viewing sa ganap na 10 a.m. hanggang 1 p.m. na susundan ng Mass at 11 a.m..

The post Rikki Mae Davao nakiusap, ‘wag i-post mga litrato ni Ricky sa ospital appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments