Responsive Ad

Anak na binugbog ng ina bad trip sa toxic na pamilya: Ayoko nang tumulong

Misis na binugbog ng ina bad trip sa toxic na pamilya: Ayoko nang tumulong

Stock image

FEELING mo ba hindi ka swerte sa iyong pamilya? Sawang-sawa ka na ba sa mga toxic mong mga magulang at mga kapatid?

Kung yes ang answer mo, huwag kang mag-alala, dahil hindi ka nag-iisa sa ganyang sitwasyon – as in marami kayong problemado sa klase ng pamilyang meron kayo.

Isang misis ang nagbahagi ng kinalalagyan niyang sitwasyon ngayon at ang nakakalokang isyu niya sa kanilang family sa Facebook page na “Peso Sense.”

“Please hide my identity. Gusto ko lang po humingi ng payo. Pati ako nagda doubt na sa sarili ko.

“Galing ako sa mahirap na pamilya, pamilyang pinagraramutan ng magulang. Mga kapatid na walang malasakit. Kaya ng magkaasawa ako, nagsumikap ako sa buhay,” simulang kuwento ng letter sender.

Patuloy pa niya, “Pinilit kong makabukod sa kanila, dahil sawang sawa na ako sa toxic environment. Gusto kong mabuhay ng payapa. Kaya bumukod kami agad ng makapagpakasal kami.

“Pero eto ang problema. Yung mga kapatid ko pabigat lahat. Pwera nalang sa dalawang maliit pa dahil syempre di pa naman nila kayang buhayin mga sarili nila.

“Pero etong matatanda, may mga sari sarili ng pamilya pero sa magulang ko nakadepende,” pagbabahagi pa niya.

Sey pa ni misis, “Nakakaawa lang na makitang matatanda na yung magulang namin pero di pa rin makatigil paghahanapbuhay dahil sa mga iresponsable nilang mga anak na wala ring ginawa kundi umanak ng umanak.

“Eto ako, sa awa ko sa magulang ko laging ako ang tiga-salo. Tiga-salo ng utang nila pero ako ang nababaon sa utang sa kagustuhan kong makatulong.

“Hindi ganon kalaki ang kinikita ko alam naman nila yun, pero di ko sila maobliga na magbayad dahil alam ko ngang hirap sa buhay.

“Ako nalang nagtitiis magbayad. Not until nanganak na naman yung kapatid kong walang alam sa buhay kundi gumawa ng bata. Kinukunsinti nila ang pagiging iresponsable nila,” sey pa niya.

Ayon pa sa anonymous netizen, ayaw na niyang tumulong, “Napapagod na akong maging taga salo. Pero feeling ko napakasama ng ugali ko sa part na yun.

“Back story lang, lumaki ako sa bugbog ng nanay ko. Masama ang loob ko sa kanya noon pero dahil sa asawa ko natuto akong magpatawad.

“Yung tatay ko mabait naman. Pero sunud sunuran sa nanay ko. Kaya kahit anong dilim ng niranas ko sa kanila, nawala yun lahat nu’ng magkaasawa ako.

“My husband always pushes me to be the best version of myself. Pero kung iisipin ko lang lahat ng mga niranas ko sa kanila? Siguro ni piso hindi ako tutulong. Pero mas nananaig sa akin maging anak.

“Pero ano ngang gagawin ko kung ako na mismo yung nacocompromise kaka-salo sa kanila?” ang buong nakasaad sa online letter ng problemadong misis.

Kayo mga ka-BANDERA, kung kayo si wifey, susukuan n’yo na ba ang inyong pamilya? O, ipagpapatuloy n’yo na lang ang pagpapakamartir? Comment down below na guys!?

The post Anak na binugbog ng ina bad trip sa toxic na pamilya: Ayoko nang tumulong appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments