Responsive Ad

Pio Balbuena aprub sa pagbibigay ng chance ni Bam Aquino sa mga tambay

Pio Balbuena aprub sa pagbibigay ng chance ni Bam Aquino sa mga tambay

Pio Balbuena at Bam Aquino

TODO pasalamat ang rapper-actor-director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating senator at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Super na-appreciate raw kasi niya ang public servant sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga tambay na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kanyang batas sa libreng kolehiyo.

Sa isang vlog, sinabi ni Pio na napakasuwerte ng mga tambay dahil makakapagtapos na sila ng kolehiyo sa tulong ng batas na iniakda ni Sen. Aquino.

Aniya, hindi lang diskarte ang mahalaga para magkaroon ng magandang buhay kundi ang pagkakaroon rin ng diploma.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pio Balbuena (@piobalbuena)


Dagdag ni Pio, kung nalaman lang daw niya agad ang tungkol sa libreng kolehiyo ni Aquino, sana ay pinursigi na niya ang pangarap na kurso.

Hinikayat naman siya ni Sen. Bam na hindi pa huli ang lahat at kaya pa niyang maabot ang pangarap sa tulong ng batas sa libreng kolehiyo

Natuwa rin si Pio sa plano ng tumatakbo uling senador na itawid ang libreng kolehiyo sa siguradong trabaho kapag nakabalik siya sa Senado.

Bukod sa pagiging rapper, actor, director at content creator, si Pio Balbuena ang may-ari ng sikat na Tambay caps na kilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa pamamagitan ng kanyang kumpanyang Tambay Traders Inc., nakakapagbigay din siya ng kabuhayan sa mga tambay.

Kaka-release lang din ng bago niyang single na “45 BARS” na paborito na rin ngayong patugtugin sa mga radio station.

The post Pio Balbuena aprub sa pagbibigay ng chance ni Bam Aquino sa mga tambay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments