Responsive Ad

Jellie Aw hugot na hugot: Nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved!

Jellie Aw hugot na hugot: Nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved!

Jellie Aw at Jam Ignacio

IBINANDERA ng content creator na si DJ Jellie Aw ang kanyang kaligayahan matapos makatakas at makalaya sa isang pangyayari sa kanyang buhay na hindi raw niya deserved.

Hindi man binanggit ni Jellie kung para saan o para kanino ang kanyang pinakabagong hugot, naniniwala naman ang mga netizens na may konek pa rin ito sa breakup nila ng ex-fiancé na si Jam Ignacio.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, nag-post ang club DJ nitong nagdaang Sabado, March 15, ibinahagi niya ang nararamdaman makalipas ang ilang linggo mula nang bugbugin siya umano ni Jam sa loob ng kanilang sasakyan.

Pahayag ni Jellie, “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”

Ayon sa mga netizens, mukhang talagang tinapos at tinuldukan na niya ang lahat ng koneksyon sa kanila ni Jam, pati na ang kanilang engagement noong November, 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jellie Aw (@realjellieaw)


Bukod dito, may isa pa siyang ipinost sa kanyang Instagram Story, ito ay ang quote mula sa @female.focused account.

Mababasa rito ang mga katagang, “You’ve got a masters in lying but I’ve got a PhD in detecting bullshit.”

Nauna rito, siniguro ni Jellie na hindi niya iuurong ang mga kasong isinampa niya sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating dyowa kaugnay ng pambubugbog nito sa kanya noong February 11, 2025.

Sabi ni Jellie sa kanyang Facebook post, “sa mga nagtatanong YES po tuloy n tuloy ang KASO!

“D pedeng ganon2x nlng! ano sya sinuswerte?

“Alam ko mdming sinsaktn jn natatkot lng magsumbong at mahal ksi nila, oo mahal ntin pero sobrang MALI MANAKIT.

“BABAE tyo my krapatan tayo!”

Samantala, sa Instagram page naman ni Jam, na ex-boyfriend din ni Karla Estrada, ibinahagi nito ang pagbabalik niya sa pagmu-motor. Mukhang unti-unti na rin siyang nakaka-move on sa breakup nila ni Jellie.

Bago ito, nagmakaawa siya kay Jellie na patawarin na siya sa kanyang mga nagawa at pinagsisisihan na niya ang mga nangyari.

The post Jellie Aw hugot na hugot: Nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments