Maja Salvador ready na uling mag-work; bibida sa revenge series na ‘Athena’
Maja Salvador, Rambo Nuñez, Maria,John Andal, Jane Jimenez-Basas at Manny Pangilinan
PARA sa lahat ng mga nagtatanong kung kailan nga ba magbabalik-showbiz si Maja Salvador, may sagot na riyan ang nag-iisang “Her MAJesty.”
Yes! Very soon ay mapapanood na uli si Maja sa mga programa ng TV5 matapos mawala nang matagal-tagal dahil mas nag-focus muna siya sa kanyang sariling pamilya, lalo na sa anak nila ni Rambo Nuñez na si Maria.
Mananatiling isa sa pinakamalalaking bituin ng Kapatid Network ang aktres matapos pumirma uli ng kontrata sa MQuest Ventures.
Ngayong 2025, mas marami pang de-kalibreng proyekto ang naghihintay sa kanya sa TV5, Cignal, at iba pang MediaQuest platforms.
Sa contract signing, kasama ni Maja sina MVP Group at MediaQuest Chairman Manny V. Pangilinan, MediaQuest at MQuest Ventures President at CEO Jane Jimenez-Basas, MediaQuest Group CFO John L. Andal, Crown Artist Management COO Vania Ysabel Padilla-Edralin, at ang kanyang asawa na si Rambo Nuñez, Crown Artist Management CEO.
View this post on Instagram
Simula pa noong 2020, naging bahagi na si Maja ng Kapatid Network sa pamamagitan ng mga hit shows tulad ng “Sunday Noontime Live!,” “Niña Niño,” “PoPinoy,” “Oh My Korona”, at ang “Emojination” na umabot na sa apat na seasons.
Ngayong taon, mas matindi pa ang kanyang pagbabalik sa mas malalaking proyekto.
Kabilang sa kanyang bagong lineup ang Season 5 ng “Emojination”, ang pagbabalik niya sa primetime drama sa thrilling revenge series na “Athena”, at ang dance competition na “Isayaw Mo”, kung saan muli niyang ipamamalas ang husay bilang Queen of the Dance Floor.
Ayon kay Jane Jimenez-Basas, “She is more than just a phenomenal talent—Maja is family to us at MediaQuest. Her passion, versatility, and unwavering commitment to her craft have made a lasting impact, not just on our network but on the audiences who continue to embrace her.
“We are truly excited for this new chapter with Maja, knowing that she will keep delivering inspiring and unforgettable moments for her fans,” aniya pa.
Bukod sa telebisyon, kasado na rin ang kanyang upcoming film projects sa ilalim ng MQuest Ventures, kung saan isang major movie ang nakatakdang ipalabas ngayong taon.
“Excited na akong mag-work uli kasi medyo matagal-tagal din akong nagpahinga. Siyempre kailangan ko munang unahin ang sarili kong family, ang pagtutok sa pagpapalaki kay Maria,” sey ni Maja.
“Now, ready na akong magtrabaho uli!” aniya pa.
Tiyak na mas magiging makulay at matagumpay ang kanyang 2025, lalo pa’t patuloy niyang pinapatunayan ang kanyang marka bilang isa sa pinakamahuhusay at pinakamaniningning na artista ng kanyang henerasyon.
The post Maja Salvador ready na uling mag-work; bibida sa revenge series na ‘Athena’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments