Kim Chiu ibinuking sakit ni Vice Ganda: Pero nagtrabaho pa rin siya!

Kim Chiu at Vice Ganda
IBINUKING ni Kim Chiu sa harap ng madlang pipol kung ano ang naging sakit kamakailan ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.
Lukang-luka si Vice sa kadaldalan ni Kim sa “It’s Showtime” kung saan ibandera nito sa buong universe na tinamaan siya ng dengue.
Super laugh si Vice sa pambubuking sa kanya ni Kimmy dahil “secret” lang dapat ang pagkakasakit niya dahil wala naman siyang balak ipaalam ito sa publiko.
Pero hindi pa rin nagpapigil si Kim at itinuloy pa rin ang pagkukuwento. Sey ni Kim, talagang nag-report pa rin si Vice sa “It’s Showtime” kahit na hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
Baka Bet Mo: Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon
“Buti okay ka na, Ma, kahit may dengue ka, nagtrabaho ka pa rin,” ang dialogue ni Kim.
View this post on Instagram
“At talagang in-out mo na nagka-dengue ako!” ang tawa nang tawang reaksyon ni Vice.
Hirit naman ng co-host nila sa programa na si Darren Espanto, dapat daw hanggang GC o group chat lang daw ang tungkol sa naging karamdaman ni Meme Vice.
Sa huli, nagbigay naman si Vice Ganda ng advice sa madlang pipol na mag-ingat at palaging ingatan ang kalusugan at siguruhing palaging hydrated para makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Sinakyan din ito ng ilang platform ng ABS-CBN dahil dinogshow din nila si Kim at ipinost ang kadaldalan ng TV host at aktres sa “Showtime.”
“‘YONG DAPAT SECRET LANG, PERO ANG DALDAL NI FRIEND,” ang caption sa video ng bukingan sa sakit ni Vice Ganda.
The post Kim Chiu ibinuking sakit ni Vice Ganda: Pero nagtrabaho pa rin siya! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments