Responsive Ad

Ryan Bang na-shock sa inamin ni Paola Huyong nang mag-samgyupsal date

Ryan Bang na-shock sa inamin ni Paola Huyong nang mag-samgyupsal date

Ryan Bang at Paola Huyong

NALOKA ang komedyante at TV host na si Ryan Bang nang magpasalamat sa kanya noon ang fiancée na si Paola Huyong at tawagin siyang “good friend.”

Super react daw talaga ang South Korean actor na may pusong Pinoy nang minsan silang mag-samgyupsal date at mag-usap nang seryoso ni Paola tungkol sa label ng kanilang relasyon.

Sa bagong vlog ni Ryan, ibinahagi nila ni Paola ang kanilang unang pagkikita at kung paano nagsimula ang love story nila hanggang sa humantong na nga sa engagement.

Kuwento ng komedyante, nangyari ang first meeting nila noong May, 2023 nang maglalaro sila ng football, “First time kong nakita, pagpasok ko ng football field, parang nag-slowmo ka sa akin.

Baka Bet Mo: Ryan Bang may pa-shoutout sa parents ng GF: Para rin akong anak nila!

“Totoo pala ‘yung mga pelikula, alam mo na ‘yung instinct talaga, ‘pag nakita mo ang the one,” chika pa ng TV host.

Mula noon ay ilang beses pang nagkita ang dalawa sa football field pero hindi sila nagkakausap. Hanggang sa makita ni Ryan sa Instagram na si Paola pala ang may-ari ng Siesta Horchata Cafe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan (@ryanbang)


Kasunod nito personal na nagpunta roon ang “It’s Showtime” at bumili ng mga itinitinda sa cafe. Makalipas ang ilang linggo nagkaroon ng chance si Ryan na makausap si Paolo hanggang sa magkapalagayan na sila ng loob.

Sa isang pagtsa-chat, tinanong ng komedyante kung ano ang status ni Paola at sinabi nga nitong single siya. Ayon kay Paola, kung magkakadyowa raw siya, ang gusto niya ay Christian.

Sabi naman ni Ryan, “Ang sagot ko po diyan, nasa tiyan palang ako ng nanay ko Christian na ako.” Papunta raw sa simbahan ang mga magulang niya nang mag-labor ang kanyang nanay.

Noong June, 2023, inimbita ni Ryan si Paola sa concert ni Vice Ganda – ang una nilang pagde-date. Nakilala pa ni Paola si Vice nang magpunta sila ng comedian sa backstage.

Dito na inamin ni Paola na hindi pa niya alam that time na nililigawan na pala siya ni Ryan, “To be honest, I didn’t think na he even likes me, kasi ‘yung feeling with Ryan is very titohan, tropa.

“I really didn’t think that there would be something. Ryan’s very nice and he’s very friendly to everyone. Kasi marami naman ding other girls diyan na pretty at saka nasa showbiz,” pag-amin pa ni Paola.

Hanggang sa yayain uli siya ni Ryan na mag-samgyupsal at nag-dialogue nga ng, “Ryan, you’re such a good friend.”

Na-shock daw ang komedyante at sumagot ng, “Anong pinagsasabi mong good friend, hindi ako pupunta from Showtime, tapos pipik-apin pa kita dito sa traffic, tapos magiging good friend.

“Sabi ko, anong friend? Kung friend, ‘di kita puputahan,” ang pagbabalik-tanaw ng binatang Koreano.

At mula nga noon ay naging malinaw na ang lahat kay Paola, kung ano ba talaga ang intensiyon sa kanya ni Ryan. Hanggang sa tinanong na nang diretsahan ng aktor si Paola kung pwede na ba silang maging girlfriend – and she said yes!

June, 2024 nang ibandera nina Ryan at Paola ang kanilang engagement. Wala pang inilalabas na pahayag ang magdyowa kung kailan at saan magaganap ang kanilang kasal.

The post Ryan Bang na-shock sa inamin ni Paola Huyong nang mag-samgyupsal date appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments