Responsive Ad

Kim, Xian sweet na sweet dahil sa post ng TMZ, fans naloka: ‘Break na po sila!’

Kim, Xian sweet na sweet dahil sa post ng TMZ, fans naloka: ‘Break na po sila!’

PHOTO: Instagram/@tmz_tv

MARAMING Pinoy ang nagulat at talagang naloka matapos ibandera ng US-based media outlet na TMZ ang lumang picture ng ex-couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Napabilang kasi ang dalawa sa mga celebrities all over the world na nagse-celebrate ng Lunar New Year.

At makikita nga riyan ang dating picture nina Kim at Xian na very sweet sa isa’t-isa at nakayakap pa nga ang aktor sa aktres.

“Lunar New Year is officially underway, meaning it’s time to celebrate the Year of the Snake! Swipe through our gallery to celebrate with the stars,” saad sa caption ng post.

Baka Bet Mo: Hirit daw ni Xian kay Kim: Pwede mo nang aminin na may girlfriend na ‘ko

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TMZ (@tmz_tv)

Tila nagkagulo naman ang Pinoy netizens sa comment section at tinag pa sina Kim at Xian.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Delete that 4th slide. They’re already broke-up 3 years ago [laughing emoji].”

“Umm break na po sila Kim and Xian.”

“Bakit nandito si @chinitaprincess with @xianlimm?”

“@chinitaprincess and @xianlimm nagbalikan na sila [laughing emoji]”

“What the hell? Kim Chiu and Xian Gaza’s not together for a year already [laughing emojis]”

Kung maaalala, noong December 2023 nang isinapubliko ng dating magdyowa na naghiwalay na sila makalipas ang 11 years.

Sa mga panahon na ‘yun, may kumakalat na chismis sa social media na dine-date ni Xian ang film producer na si Iris Lee.

Ilang beses naispatan na magkasama sina Xian at Iris bago umamin sa kanilang real score noong May last year.

Magugunitang nagkatrabaho sila sa 2024 horror film na “Kuman Thong.”

The post Kim, Xian sweet na sweet dahil sa post ng TMZ, fans naloka: ‘Break na po sila!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments