Responsive Ad

‘MAKA’ season 2 mas maraming pasabog, tropa nadagdagan pa

'MAKA' season 2 mas maraming pasabog, tropa nadagdagan pa

NGAYONG araw na magsisimula ang pinakaaabangang season 2 ng hit Kapuso youth-oriented show na “MAKA“.

Yes! Back-to-school na nga ang inyong favorite MAKA barkada today, February 1 sa GMA 7 sa pangunguna nina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa.

Sa second season ng “MAKA” na mula sa GMA Public Affairs, asahan ang mas bongga, mas intense at mas nakakakilig na kuwento ng bawat karakter na minahal n’yo sa unang season.

Baka Bet Mo: Payo ni Romnick sa cast ng ‘MAKA’: Kilalaning mabuti ang sarili n’yo

At bukod sa original cast members, abangan din ang mga pasabog na twists ng mga bagong miyembro ng MAKA barkada tulad nina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, Shan Vesagas bilang Shan Rodente, at Josh Ford bilang Josh Taylor.

Makaka-join din sa bagong season ang dalawang kilalang infuencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.

Siguradong mas marami pa kayong aabangan sa pagpasok ng tropa sa bago nilang school, ang MacArthur Academy, matapos na tuluyang magsara ang MAKA High.

Muli ring makakasama sa bagong chapter ng “MAKA” ang award-winning actor na si Romnick Sarmenta.

Kaya abangan ang “MAKA” season 2 tuwing Sabado, simula February 1, 4:45 p.m. sa GMA 7. Ito’y mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.

The post ‘MAKA’ season 2 mas maraming pasabog, tropa nadagdagan pa appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments