John Arcilla kay Maris Racal: We LEARN our lessons in many ways
MULING nag-react ang award-winning actor na si John Arcilla sa kinakaharap na isyu nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, December 6, sinabi niyang wala raw dapat patawarin sa tatlo lalo na’t wala naman silang kasalanan sa publiko.
“They did what they did at that time because that is what THEY THOUGHT are the BEST THINGS to do nung tumatawid sila sa pagkakataong iyon AT ITO NGA ANG NAGING RESULTA. We LEARN our lessons in many ways,” saad ni John.
Dagdag pa niya, mga bata pa sina Maris at Anthony at lahat naman ng tao ay dumadaan sa pagkakamali.
Baka Bet Mo: John Arcilla may pasaring kay Anthony Jennings: ‘May kabastusan ‘yung motibo’
View this post on Instagram
“Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan. Sa mga hindi pa eh P*NYET* na lang pag di pa kayo TUMINO,” sey pa ni John.
Aniya, paniguradong may natutunan sina Maris, Anthony, at Jam sa mga nangyari.
“I am sure we all learned our lessons. Huwag na tayong mag matigas sa kwentong hindi atin. Sila ang gagawa ng ending nito,” hirit pa ni John.
Sinabihan rin niya ang publiko na mag-move on na sa mga pangyayari.
“Sa totoo lang mahal natin ang mga batang ito. Nasasaktan tayo na makitang nasasaktan sila. Sabi nga ‘ALL’s WELL THAT ENDS WELL.’ Let us wish everyone a good life,” sabi pa ni John.
Matatandaang nitong Biyernes, December 6, binasag na nina Maris at Anthony ang kanilang katahimikan tungkol sa cheating issue na kanilang kinasasangkutan.
The post John Arcilla kay Maris Racal: We LEARN our lessons in many ways appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments