Responsive Ad

Anthony Jennings isinakripisyo ang career para kay Maris Racal: True love!

Anthony Jennings isinakripisyo ang career para kay Maris Racal: True love!

MAY mga naniniwalang isinakripisyo ni Anthony Jennings ang sariling career para iligtas sa kahihiyan ang kanyang ka-loveteam na si Maris Racal.

Nabasa naming ang ilang comments sa social media tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Maris at Anthony dahil sa mga pasabog ng ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva.

Binalikan ng ilang netizens ang screenshots ng private conversation ng magka-loveteam na inilantad ni Jam sa social media kamakailan na naging dahilan ng pagkawasak ng tambalang “MaThon.”

Feeling ng mga fans, niloko ni Anthony si Jam pero never niyang niloko ang sarili sa kanyang pagmamahal kay Mari base sa naging mensahe niya sa dating dyowa kung saan nakiusap nga siya na huwag nang paghigantihan si Maris at siya na lang ang sirain.

Baka Bet Mo: Tita ni Anthony Jennings sa pasabog ni Jam Villanueva: Laban lang!

Ang mababasa sa isang screenshot na ipinost ni Jam na umano’y pakiusap sa kanya ni Anthony na may petsang October 1, “Ako nalang sirain mo love.

“Mag usap nga tayo, sinabi nya na sakin, di na sya lalapit sakin.

“And i promise you wala na din tinapos ko na. So please…kung ano man yan, itigil mo na yan.”

Ibig sabihin, handa siyang masira sa mga pinaggagawa niya huwag lang madamay si Maris upang maprotektahan ang showbiz career nito.

Kaya naman sa naging statement ng aktres nang lumantad siya sa publiko at amining nagkamali siya pero nilaglag si Anthony at pinagsabay sila ni Jam, malamang daw ay desisyon at plano ng aktor.

Posibleng kinausap ni Anthony si Maris na magsalita tungkol sa “cheating” issue at palabasing siya lang ang nanloko upang malinis nito kahit paano ang kanyang imahe at pangalan kahit na ang kasunod nito ay ang matinding pagkamuhi sa kanya ng publiko.

Sa isang Facebook page, nabasa namin ang post tungkol sa pagsasakripisyo ni Anthony para sa pagmamahal niya kay Maris. Narito ang nakasaad sa nasabing post na may titulong, “HE CHEATED ON HIS GIRLFRIEND BUT NEVER WITH HIS HEART.”

“Mapapansin natin ang pagkaiba ng mensaheng gustong iparating ni Anthony sa kaniyang ex-girlfriend at kaniyang katrabahong si Maris Racal.

“Matapos ang isyu ay nagawa pang pagtakpan ni Anthony Jennings ang umano’y relasyon nila ni Maris Racal habang sila pa ng kaniyang jowang si Jam Villanueva.

“Samantalang noong nalaman ito ni Jam ay pinigilan niya itong ilabas sa publiko ang kanilang panloloko ni Maris upang hindi maapektuhan ang career ng dalaga.

“Mas gusto niyang protektahan si Maris kaysa sa kaniyang jowang si Jam,” ang buong laman ng FB post.

Nauna rito, maraming fans nina Maris at Anthony ang nagsabing dapat ituloy ng magka-loveteam ang pagdedemanda kay Jam dahil sa ginawa nitong pagwasak sa kanilang showbiz career.

The post Anthony Jennings isinakripisyo ang career para kay Maris Racal: True love! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments