Responsive Ad

Maine, Arjo nagpasabog ng kilig sa Eat Bulaga: Happy wife, happy life!

Maine, Arjo nagpasabog ng kilig sa Eat Bulaga: Happy wife, happy life!

NAGPASABOG ng kilig at good vibes ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa nakaraang episode ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Bumisita ang kongresista at internationally-acclaimed actor sa longest-running noontime show sa buong mundo kung saan isa sa regular host ang kanyang wifey.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng promo para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Topakk” kung saan kasama niya sina Julia Montes, Enchong Dee, Sid Lucero at marami pang iba, mula sa direksyon ni Richard Somes.

Palakpakan at hiyawan ang studio audience nang ipakilala si Arjo ng “Eat Bulaga” Dabarkads na sina Miles Ocampo, Allan K at ng kanyang misis na si Maine Mendoza.

Baka Bet Mo: Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: ‘Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan’

Kitang-kita ang pagiging mahiyain ni Arjo habang nagsasalita at nagpo-promote ng “Topakk” kung saan inilarawan niya itong isang all-out hard action movie. Sobrany challenging daw nito para sa kanya.

Hirit naman na tanong ni Maine sa kanya, “Alin ba ang mas challenging, yung ginawa mo sa pelikula or yung having me as your wife?”

“In fairness, kinilig ako du’n, ha!” ang reaksyon naman ni Allan K habang  tawa nang tawa. Hagalpakan din ang lahat ng nasa studio.

“Hindi ka ba nahirapan?” ang tanong uli ni Maine sa kanyang asawa.

“Saan?” sumungit uli si Allan K.

“Yun again, ‘yung having me as your wife,” ang pa-sweet at pa-demure namang pag-ulit ni Maine sa kanyang tanong.

Tugon ng natatawa pa ring aktor at congressman, “Of course, happy wife, happy life!

“Pero iba talaga ang challenge sa paggawa ng pelikulang ito. Madugo talaga, action-packed mula umpisa hanggang katapusan,” pagmamalaki pa ni Arjo sa kanilang MMFF 2024 entry.

Sabi naman ni Miles, “Sa totoong buhay po ba, maaksiyon din kayo?”

Si Maine ang unang sumagot, “Action agad!”

“Puro trabaho, action agad,” sey naman ni Arjo.

Sey uli ni Maine, “Kilala si Arjo na magaling umarte, pero, sori Baba (term of endearment ni Maine kay mister), magaling rin itong sumayaw.”

“‘Di kami naniniwala,” hirit naman ni Miles.

“Music!” ang agad na sigaw ni Allan K.

Game na game namang ipinakita ni Arjo sa buong universe ang kanyang talent sa pagsasayaw na pinalakpakan naman ng audience. Si Maine lang daw pala ang susi para makita ng mga Dabarkads all over the world ang iba pang talent ng aktor.

In fairness, sa trailer pa lang ng “Topakk” ay kitang-kita nang talagang ginastusan at pinaghirapan ng buong production ang pelikula na siyang nag-iisang action entry sa 50th edition ng MMFF.

Sey ni Arjo, kumpletos-rekados ang  “Topakk” dahil bukod sa hard action, may drama, comedy, at family values ang kuwento nito, mula sa Nathan Studios sa pangunguna ng actress-producer na si Sylvia Sanchez.

The post Maine, Arjo nagpasabog ng kilig sa Eat Bulaga: Happy wife, happy life! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments