Responsive Ad

Direktor naubusan na ng idea, nauulit ang istorya ng pelikula?

Direktor naubusan na ng idea, nauulit ang istorya ng pelikula?

NAUBUSAN na kaya ng ideya o breadtrip na lang ang kilalang direktor na nagsusulat ng script para sa mga pelikulang gagawin niya dahil nagkakapareho na ang kuwento?

Napansin ito ng kapwa niya director na ang mga nagawa nitong pelikula ay nagkakahawig ang kuwento sa mga nagawa na niya noon ilang taon na ang nakaraan

“Siguro dahil matagal naman na ‘yung movie niya na napanood ko sa probinsya pa inulit ang script, may mga inibang konti tapos iba rin ang cast pero ang istorya ganu’n din (binanggit ang mga titulo ng pelikula)

Nu’ng pinapanood ko nga, akala ko ito rin ‘yung dati pero nagtataka ako kasi iba naman ang bida, so, naisip ko parehong script at iisa ang director,”tsika sa amin.

Baka Bet Mo: Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi namin na may mga pagkakataong nagkaka-pareho rin ang tulad ng pelikulang “My Future You” na entry ng Regal Entertainment ngayong 2024 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Napanood kasi namin ang trailer ng pelikula ng FranSeth na magkaiba sila ng time line at may ganitong eksena rin sa pelikulang “Love You Long Time” na idinrek ni JP Habac starring Carlo Aquino at Eisel Serrano na magkaiba rin sila ng year na sinasabi at isinali naman ito sa 1st MMFF Summer Film Festival last year, 2023.

Isa pang tila pareho rin ang kuwento ay ang Strange Frequencies: Haunted Hospital ng Reality Studios na entry din sa 2024 MMFF na pagbibidahan naman ni Enrique Gil at ang pelikulang Dark Room mula sa Viva Films noong 2017 na pinagbidahan naman nina nina Ella Cruz, AJ Muhlach Donnalyn Bartolome at iba pa.

“Oo napanood ko rin lahat ‘yang mga nabanggit mong pelikula, magkakaiba ang director at sumulat ng script, e, itong binabanggit ko, almost same script, same direktor din,” diing katwiran ng aming kausap.

Katwiran naming na mas okay ‘yung iisang director na siya rin ang nagsulat dahil pag-aari naman niya ito kumpara sa magkakaiba ang director at nagsulat na pareho ang kuwento dahil lalabas na plagiarism ito?

Pero ang mga nabanggit naming pelikulang tila may pagkaka-pareho ay base ito sa napanood naming trailer tulad ng My Future You at Strange Frequencies. Baka naman iba rin ang kuwento nito sa kabuuan.

* * *

Umabot sa 23,399 ang mga materyal para sa telebisyon at pelikula ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa buwan ng October 2024.

Klase ng Materyal: Bilang: TV Programs 11,512 TV Plugs and Trailers 11,640 Films (Local and International) 66 Movie Trailers 54 Movie Publicity Materials 127.

Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang malaking bilang ng na-rebyu ng Board ay isang magandang indikasyon ng pagyabong ng industriya ng paglikha.

“Kami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpu’t isang Board Members,” sabi ni Sotto-Antonio.

Ayon sa MTRCB Board, nagpapakita ito ng dedikasyon ng Ahensiya sa pagsuporta sa kalayaan sa pagpapahayag o freedom of expression at sa pagtitiyak na ligtas panoorin ang mga palabas bago ito mapanood ng publiko.

The post Direktor naubusan na ng idea, nauulit ang istorya ng pelikula? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments