Responsive Ad

Kris mukhang happy at madaldal na uli, excited nang umuwi sa Pinas

Kris mukhang happy at madaldal na uli, excited nang umuwi sa Pinas

Kris Aquino

EXCITED much nang umuwi sa Pilipinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino makalipas ang halos tatlong taong pananatili sa Amerika.

Sa bagong video na napanood namin sa social media, mukhang unti-unti nang bumubuti ang kundisyon ni Kris dahil hindi na siyang payat na payat at parang bumabalik na ang kanyang “kadaldalan.”

Noon pang 2022 nagtungo sa US ang mommy nina Bimby at Joshua para maipagamot ang kanyang mga autoimmune disease.

Baka Bet Mo: Bidang aktres na laging ‘on time’ umuwi kahit hindi pa tapos ang eksena

Ang kanyang hairstylist na si Kimora Bernabe ang nag-upload ng video sa kanyang social media kung saan mapapanood si Kris na nagre-request ng maliit na bracelet na kakasya sa kanyang kamay.


“Hi, to the friend of Ate Kimora, Gelli… is it Jelly, as in jelly beans or is it Jelly, as in jealous? No, I’m sure Gelli, because you are generous and loving,” simulang chika ni Kris na hindi na mukhang stress at pagod ang boses.

Patuloy niya, “Ate Kimora said you gave a really great price para doon sa suot niyang earrings. Okay.

“Ako, naghahanap ng bracelet, pero, as you can see, super teeny tiny ‘to.

Baka Bet Mo: Furbaby na marunong umuwi mag-isa viral na, netizens bilib na bilib: ‘Forda independent ang dog’

“Give me a good price when we go home! Happy birthday!” ang paglalanbing pa ng TV host-actress.

Matatandaang nitong nagdaang July ay nabanggit ni Bimby sa isang interview na babalik na sa Pilipinas ang kanyang nanay ngayong buwan o sa unang linggo ng October.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimora Bernabe (@kimorabernabe)


“My mom is coming home for good in September. Latest is October. I’m very happy. She misses her family the most. She misses Tita Ballsy (Cruz) and her sisters.

“Papunta na po (sa paggaling). But it will take hard work, hard work talaga. Hard work, dedication, in order (for her) to be healthy po,” sey pa ni Bimb about Kris’ health condition.

Nauna rito ay ni-reveal din ni Kris na may bagong lalaking nagpapasaya sa kanya na isang Makati-based doctor.

“He’s part of the reason why I’m confident na puwede akong umuwi kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me,” chika ni Kris.

The post Kris mukhang happy at madaldal na uli, excited nang umuwi sa Pinas appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments