Responsive Ad

Kyline, Kobe nag-effort para sa ‘Kristine’ relief operation sa Albay

Kyline, Kobe nag-effort para sa 'Kristine' relief operations sa Albay

Kyline Alcantara at Kobe Paras

MAGKASAMANG namigay ng tulong at ayuda ang rumored couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Talagang personal na nagpunta ang Kapuso actress at professional basketball player sa Bicol para magsagawa ng relief operations sa mga nabiktima ni Kristine.

Sa mga residente ng Barangay Tinago sa Ligao City, Albay nagkaloob ng tulong sina Kyline at Kobe. Isa ang Ligao sa mga lugar sa Bicol na matinding hinagupit ng bagyong Kristine.

Sa report ng morning show ng GMA na “Unang Hirit”, ipinakita ang video kung saan isa-isang  iniaabot nina Kyline at Kobe ang relief goods sa mga residenteng na-displace ng baha at landslide.

Proud Bicolana si Kyline na nagmula sa Camarines Sur kaya naman talagang nag-effort siya na makapunta at makabisita sa ilang lugar sa Bicol at makapaghatid ng kahit kaunting tulong.

Baka Bet Mo: Kier Legaspi nag-effort din para sa sariling community pantry: ‘Sing For Hearts’ ng GMA aariba na

Nauna rito, kinumpirma ni Kobe sa isang panayam ng fashion magazine na “dating” na ang status nila ni Kyline.

Natanong kasi sa naturang interview kung sino ang biggest celebrity crush niya, at ang pangalan nga ni Kyline ang kanyang binanggit.


“Kyline Alcantara because we are dating,” sey ng binata.

Nag-follow up question naman ang fashion and entertainment magazine kung kailan daw na-realize ni Kobe na may crush siya sa aktres. Sagot ng basketbolista, “Early this year?”

Kasunod nito, sinabi ni Kobe ang mga katangian ng isang babae na attractive para sa kanya, “Someone who is caring and respectful.”

Next question sa kanya, “How do you feel about a girl who’s passionate about her career and hobbies?”

Sey ni Kobe na tila inilalarawan si Kyline, “It means everything to me. It’s actually insane that there’s women out there who focus on their career wholeheartedly and do well, and it’s really important for women to be by herself and you know, in her element and doing what she loves. It’s a turn on.”

Ilang beses nang na-interview sina Kobe at Kyline upang usisain ang tunay na relasyon nila, lalo na’t maraming beses silang spotted na very sweet sa isa’t isa.

Ang madalas na sagot ng basketball player ay friends lang sila ng aktres, habang si Kyline naman laging sinasabing “to see is what you get.”

Ang huling update sa dalawa ay ‘yung pagbabakasyon nila sa isang beach resort sa Infanta, Quezon na kung saan ay kasama nila ang pamilya ni Kyline.

The post Kyline, Kobe nag-effort para sa ‘Kristine’ relief operation sa Albay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments