Responsive Ad

K-Drama star Kim Ji Soo type makatambal si Barbie Forteza

K-Drama star Kim Ji Soo type makatrabaho si Barbie Forteza

Jillian Ward at Kim Ji Soo

KUNG may isang Kapuso actress na nais makasama at makatrabaho ng South Korean actor na si Kim Ji Soo, yan ay walang iba kundi si Barbie Forteza.

Certified Kapuso na rin ang sikat na K-Drama star matapos itong pumirma ng kontrata sa Sparkle talent management kung saan ilang acting projects ang nakatakda niyang gawin.

Mas nakilala ng viewers si Ji Soo nang magkaroon siya ng special participation sa hit Kapuso action-drama series na “Black Rider” at dahil nga rito, napamahal na agad siya sa mga Filipino kaya naman hindi na siya pinakawalan ng GMA 7.

Baka Bet Mo: DongYan mala-Hollywood star sa GMA Gala; Kylie, David waging Best Dressed

Sa panayam sa Korean star after ng kanyang contract signing bilang Kapuso ay natanong nga siya kung sino sa mga female celebrities ng network ang gusto niyang makatrabaho sa next projects niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Ji Soo (@kim.ji.soo_)


“I want to work with her because she is a good actress. I’ve watched her few acting scenes, and she’s a really good actress,” pahayag ni Kim Ji Soo.

Baka Bet Mo: Jillian Ward, Kim Ji Soo kilig overload, pasabog na K-drama feels

Ang tinutukoy ng K-Drama actor ay ang GMA Prime series na “Pulang Araw” kung saan gumaganap siya bilang si Adelina Dela Cruz, na isang bodabil actress, at kapatid ng karakter ni Alden Richards.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Sabi pa ni Kim Ji Soo, bukod kay Barbie ay nais din niyang makatrabaho ang Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid.  Noong nakasama kasi siya sa “Black Rider” at hindi sila nagkaroon ng eksena ni Ruru.

Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi naman ni Ruru na mabait, talentado at super cool si Ji Soo at nanghihinayang din siya na hindi sila nabigyan ng chance na magkaeksena sa “Black Rider.”

Sa ngayon ay napapanood si Kim Ji Soo sa hir GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan ni Jillian Ward. Gumaganap siya sa serye bilang si Dr. Kim Young.

The post K-Drama star Kim Ji Soo type makatambal si Barbie Forteza appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments