Responsive Ad

Judy Ann, Lorna, Janice, Mon sanib-pwersa sa bagong horror film na ‘Espantaho’

Judy Ann, Lorna, Janice, Mon sanib-pwersa sa bagong horror film na 'Espantaho'

PHOTO: Facebook/Joji Villanueva Alonso

SA pagdiriwang ng 20th year anniversary ng Quantum Films na pag-aari ni Atty. Joji Alonso ay pinost na niya ang powerful cast ng pelikulang “Espantaho” na kasalukuyan sinu-shoot. 

Ang malalaking artistang bibida sa “Espantaho” ay sina Judy Ann Santos, JC Santos, Chanda Romero, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, Janice De Belen at Lorna Tolentino with Eugene Domingo at Tommy Abuel.

Ang caption ay, Every family has its secrets. Some, more sinister than others.”

“On its 20th year, Quantum Films, in cooperation with Cineko Productions and Purple Bunny Productions, proudly present a powerhouse ensemble in a horror movie event by award-winning writer Chris Martinez and helmed by master director Chito S. Roño,” wika pa.

Pagpapakilala pa sa upcoming film, “ESPANTAHO, A film by Chito Roño. Soon in cinemas.”

Baka Bet Mo: Mosang tinulungan ni Judy Ann sa kanyang lowest point

Sa events na dinaluhan namin ay ano raw kaya ang kinalaman ng “Espantaho” o scarecrow sa kuwento na tiyak na malalim ang ibig sabihin nito lalo’t forte ni Direk Chito ang horror.

Samantala, umabot na sa mahigit 200 ang nag-share sa post na ito ni Atty. Joji na ibig sabihin ay interesado at inaabangan ang pelikulang ito nina Juday at LT plus Janice, JC at Mon.

The post Judy Ann, Lorna, Janice, Mon sanib-pwersa sa bagong horror film na ‘Espantaho’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments