Responsive Ad

Arjo hindi pa magiging daddy, pagbubuntis ni Maine fake news!

Arjo hindi pa magiging daddy, pagbubuntis ni Maine fake news!

Maine Mendoza at Arjo Atayde

FAKE news ang kumalat na balita sa social media na nagdadalang-tao na ang misis ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Iyan ang nilinaw ng award-winning actor at kongresista matapos kumalat ang chika na buntis na raw si Maine kaya bigla siyang nawala kamakailan sa “Eat Bulaga.”

Nakachikahan ng members ng entertainment media si Arjo sa naganap na pa-thanksgiving niya nitong nagdaang Biyernes, September 13, kasama ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Baka Bet Mo: Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

“Ay hindi po, it’s just really a vacation for our first wedding anniversary,” paglilinaw ng aktor at public servant sa balitang pregnant na ang kanyang wifey.

Sa tanong kung kailan nila plano ni Maine na magkaroon ng baby, “I don’t want to disclose na. But definitely, we talked about those things, and definitely in due time.


“I just have some priorities for now, ‘cause elections are coming. In due time. That’s one thing of course, that we’re looking forward to, to have our own family,” sabi ng premyadong aktor na unang-unang nagpa-Christmas party sa media na ginanap sa kanyang headquarter sa Q.C.

Samantala, muli na namang ipinamalas ng actor-public servant ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist, matapos ang kanyang big win sa 2024 ContentAsia Awards.

Itinanghal siya bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng “Cattleya Killer.”

Ang “Cattleya Killer” ay isang Filipino crime-thriller series mula saABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video noong June 1, 2023.

Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat niDodo Dayao, umiikot ito sa murder investigation na kunektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer.

Pinagsama ng show ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang kuneksyon nila sa mga pagpatay.

Baka Bet Mo: Maine reynang-reyna kung alagaan ni Arjo: Parang sobra! I really ask the Lord what have I done to deserve this kind of love

Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman naka-posisyon ang Cattleya Killer bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.


Sa awards ceremony sa Taipei, sinabi ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong upang makamit niya ang victory na ito.

“Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series,” mensahe ni Arjo.

Patuloy na pinasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na si Maine, “It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here.

“Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this,” aniya pa.

Pinasalamatan din niya siyempre ang Kapamilya Network, “To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024. Arjo’s portrayal captivated both audiences and critics, with his nuanced take on Anton dela Rosa ultimately securing him the prestigious award.

Ito ang latest sa string of international accolades para kay Arjo. It follows his 2020 Best Actor win at the Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman, kung saan ginampanan niya ang papel ng isang barbero na sangkot sa mapanganib na mundo ng pulitika.

At si Arjo ang unang Pilipino na napangaralan ng pinakaprestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon.

Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi din si Arjo bilang Representative ng Unang Distrito ng Quezon City, isang position na kanyang napanalunan by a landslide noong 2022 elections.

His commitment to both his craft and public service showcases his multifaceted contributions to Philippine society.

Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy na naiinspire at inauplift ni Arjo continues ang Filipino film and television industry saglobal stage.

The post Arjo hindi pa magiging daddy, pagbubuntis ni Maine fake news! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments