Alice Guo kay Sec. Benhur Abalos: ‘Patulong, may death threats po kasi ako’
NATATAKOT ngayon sa kanyang buhay ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Ito ang inihayag niya mismo kay Interior Secretary Benhur Abalos nang magkita sila sa Indonesia matapos mapunta sa kustodiya ng Philippine authorities.
Ang sinabi ni Alice ay narinig mismo sa Facebook livestream broadcast ng kalihim kagabi, September 5.
“Sec, patulong. May death threats po kasi ako,” sey niya kay Sec. Abalos habang nasa Indonesian police office sa Jakarta.
Hindi na-record ang sinagot sa kanya ng kalihim, pero mukhang tiniyak nito na magiging safe ang dating alkalde bilang naghanda pa ng chartered flight ang Philippine government upang maibalik sa Maynila si Alice.
Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinuking kung paano nakatakas ng Pinas si Alice Guo
Sa isang interview ng ABS-CBN, sinabi ng isang agent ng Bureau of Immigration (BI) na ang natatanggap na death threats ng dating mayora ay mula sa Chinese mafia.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng panganib sa kanyang buhay si Alice.
Sa katunayan nga, ito ang dahilan kaya hindi siya sumipot sa pagdinig noong July 10 na kung saan ay pag-uusapan sana ang tungkol sa Philippine offshore gaming operator (Pogo) complex ng Bamban na pinangungunahan ni Senador Risa Hontiveros.
“I have been constantly receiving death threats that I cannot simply ignore as I am afraid that these threats may endanger my life. In this line, I humbly express my most sincere apologies for my absence and for any inconvenience this may have caused the Honorable Committee,” lahad ni Alice sa isang sulat na ipinadala sa senadora.
At that time kasi, walang ibinigay na proteksyon para kay Alice na ang Chinese name ay Guo Hua Ping.
At humantong na nga sa pagkakaroon ng warrant of arrest mula sa Senado dahil sunod-sunod nang hindi lumitaw sa mga pagdinig ang dismissed mayor.
Bukod kay Alice, ang mga sakay sa private plane pauwi dito sa Maynila ay sina Sec. Abalos, ang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Rommel Francisco Marbil, ang officer in charge ng PNP intelligence group na si Brig. Gen. Romeo Macapaz, at ang Indonesian police attaché to the Philippines.
“I’ve seen how meticulous the operations were. For almost three weeks, you’ve followed Ms Guo. From house to house, imagine that, renting that, city to city. Every movement that she had you always followed her…On behalf of our country we’d like to thank you for all the hard work that you’ve done,” wika ni Abalos sa Indonesian officials.
Ayon sa PNP, sinabi ni Alice na nais na nitong sumuko at harapin ang mga kasong isinampa sa kanya.
The post Alice Guo kay Sec. Benhur Abalos: ‘Patulong, may death threats po kasi ako’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments