Responsive Ad

Regine sa nagpakalat ng fake news: Maghintay ka d’yan, ha! Maghintay ka!

Regine sa nagpakalat ng fake news: Maghintay ka d'yan, ha! Maghintay ka!

BINARAG ng Asia’s Songbird Regine Velasquez ang mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila ng asawang si Ogie Alcasid at magpa-file na raw siya ng divorce.

Isang Facebook page ang nag-post ng isang video kung saan ibinabalita nitong iniwan na raw ni Regine si Ogie dahil may kabit ang singer-songwriter at gusto na niyang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Ang caption sa naturang FB post, “Regine Velasquez Pinaasikaso na Divorce Papers nila ni Ogie Alcasid matapos ng Pagtataksil!”

Nauna nang pinabulaanan ni Ogie ang naturang balita at sinabing isa itong fake news at binalaan ang madlang pipol na huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasa at napapanood sa social media.

Paglilinaw ni Ogie, “This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito.”

Baka Bet Mo: Ogie, Regine nakakaramdam ng ‘banta’ sa mga baguhan, batang singer?

Sa episode naman ng “It’s Showtime” last Saturday, August 24, ay nag-celebrate si Ogie ng kanyang 57th (sa August 27 ang kanyang eksaktong kaarawan).

After ng kanyang production number ay tinawag sa stage ng kanyang co-hosts ang wifey niyang si Regine at anak na si Nate, para magbigay ng birthday message para sa kanya.

Mensahe ng Asia’s Songbird sa asawa, ang tanging dasak at hiling niya para sa kanyang mister ay maging matagumpay sa lahat ng kanyang ginagawa bilang artist at bilang producer.

“Gusto ko lang maging successful yung ginagawa niyang project with other people, kasi as a producer siya.

“Ang prayers ko ay sana hindi siya mapagod dahil ang dami niyang ginagawa. Meron siya every day, nagpo-produce pa siya, then he continues to write songs, he continues to reinvent his song, he continues to reinvent himself.

“In this business, it’s hard to be relevant, and I think my husband can do that kasi nga he’s not afraid to reinvent himself.

“So honey, I’m very, very proud of you and I’m very proud of the work you do. Congratulations, mahal. I love you very much,” ang mensahe ni Regine kay Ogie.

Kasunod nito, nabanggit nga ng Songbird ang tungkol sa chikang naghiwalay na sila ni Ogie dahil sa pagtataksil nito.

“By the way, gusto ko lang semplakin yung nagsasabi na naghiwalay kami. Maghintay ka diyan, ha. Maghintay ka.

“Kasi alam niyo, mga kaibigan, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is.

“Pero meron pang mga tao na, who’s trying to make it more difficult for us, hindi po yun maganda. Parang pinapanalangin niyo na magkahiwalay kami. Hindi po kami maghihiwalay, ever, because we love each other,” sey ni Ate Regs.

“Our marriage is not perfect, but for me, it is really. It’s not perfect, siyempre may mga issue-issue naman pero gusto ko pong sabihin na napakabait po ng asawa ko.

“Alam niyo kung paano ko alam na mabait siya, because he is God-centered. Ang focus niya ay kay God kahit marami siyang ginagawa.

“Hence, ako po yung nagbe-benefit doon kasi dahil mahal na mahal niya ang Panginoon, mabait at mabuti siyang asawa sa akin at tatay sa aming mga anak.

“So please kung mayroon kayong makita na anything na writeups huwag niyong paniwalaan.

“Nakikita niyo naman kami sa aming mga social media, we are very close, he’s my best friend,” aniya pa.

The post Regine sa nagpakalat ng fake news: Maghintay ka d’yan, ha! Maghintay ka! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments