Responsive Ad

Heart natuto nang mangagat: Kapag hindi ka palaban, tatapakan ka!

Heart natuto nang mangagat: Kapag hindi ka palaban, tatapakan ka!

Pia Wurtzbach, Panda at Heart Evangelista

HINDI na papayag si Heart Evangelista na magpaapi at gawan ng kung anu-anong fake news, kailangan daw paminsan-minsan ay lumalaban din para hindi tapak-tapakan.

Naging national issue this past week ang pagpapasuot ni Heart ng Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari sa alaga niyang aspin na si Panda.

Nagkakahalaga raw ang naturang kuwintas ng P11 million kaya naman samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens hinggil dito – may mga napa-sana all kay Heart pero meron ding nangnega.

Baka Bet Mo: Kathryn ayaw na ayaw maging pa-victim: I can say I’m healed!

May mga netizens naman ang nagsabing patama raw ni Heart ang pagpapagamit niya kay Panda ng nasabing high-end necklace kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, matapos siyang mapili bilang Philippine brand ambassador ng Bulgari last June, 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilang fans kasi ang nagsabi na ang suot na kuwintas ng pet dog ni Heart ay parang kapareho sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang post noong June.

Sa isang report, nagkakahalaga raw ng P14 million to P21 million ang suot na kuwintas ni Pia.

Binigyang-linaw naman ni Heart ang isyung ito sa panayam ng “24 Oras” kung saan sinabi niya na ipinasuot niya kay O
Panda ang kuwintas upang ipakita sa buong universe kung gaano niya kamahal ang alaga.

“I’m a very candid person. I’m very transparent. Honestly, I love my dogs. Anak ko ‘yun, e,” pahayag ng wifey ni Senate President Chiz Escudero.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista ‘pinaglaruan’ ang mamahaling gold serpent necklace, netizens nawindang

At tungkol nga sa claim ng mga netizen na may pinatatamaan siyang partikular na tao, “Well, the necklace has been mine since pandemic times. I honestly don’t see anything wrong.

“I feel like, more than anything, it should be an inspiration that you should treat the people around you the same.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“They deserve the best. Honestly, I don’t really feel like there’s anything that I should do and not do, especially I do own the necklace.

“I wanted to set an example na ang aspin they are a special kind of breed na sariling atin, so ini-spoil ko talaga siya.

“Hindi lang naman iyan basta-basta na ginagawang alarm or parang doorbell ng bahay na nakakulong. In fact, ang goal ko talaga is makarating siya sa Paris,” pahayag pa ng international fashion icon.

Sey pa ni Heart, “At the end of the day, you know, kailangan naman din minsan kailangan palaban ka rin.

“Alam ko na rin kung paano kapag hindi ka masyadong palaban, talagang natatapakan ka, so I bite now in a very sweet way pero masakit,” mariin pang pahayag ng Kapuso star.

The post Heart natuto nang mangagat: Kapag hindi ka palaban, tatapakan ka! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments