Responsive Ad

GF ni Carlos Yulo unang nag-chat noon sa atleta: I’m a fan po

GF ni Carlos Yulo unang nag-chat noon sa atleta: I'm a fan po

MULING binalikan ng mga netizens ang dating TikTok post ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose patungkol sa una nilang pag-uusap sa X (dating Twitter).

Noong April 2020 kasi ay ibinahagi ng dalaga ang unang interaction nila ng nobyong two-time gold medalist.

“First move is the key,” caption ni Chloe sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo sa ina: Mag-heal kayo, napatawad ko na kayo a long time ago

Bandera IG

Kalakip nito ay ang screenshot ng kanilang convo noon kung saan siya ang unang nag-send ng message na nagsasabing fan siya ni Carlos.

“Hi I’m a fan po. Just came across your account and hindi na po kayo as active like before. I hope you’re doing well po. Stay safe. God bless,” message ni Chloe.

Kalaunan ay nag-reply sa kanya si Carlos at nag-followback pa ito sa kanya.

“Hello hehehe Anyway I’m doing great here thank you. Ikaw din ingat dyaaan and godbless,” reply ng atleta.

Kinikilig naman siyang nag-reply kay Carlos.

“awwe I didn’t expect that you’d reply and even followed me back. Thank you so much. Have a great week ahead,” sey ni Chloe at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Matapos ang ilang buwan ay ibinandera na nina Chloe at Carlo ang kanilang relasyon sa kani-kanilang TikTok accounts.

Naging long distance ang kanilang relasyon dahil nasa Australia si Chloe para sa kanyang pag-aaral habang nasa Japn naman ang bunata para sa kangang trainings at mga kumpetisyon na sinasalihan.

May 2022 nang ibandera na nila ang isa’t isa kung saan nagpunta si Chloe sa Vietnam para magpakita ng suporta kay Carlos sa nagdaang Southeast Asian Games.

Super thankful rin si Caloy sa kanyang girlfriend matapos siyang manalo sa 2024 Paris Olympics kasama na ang kanyang mga coaches, trainers, supporters, lalo na sa Panginoon.

“Wala pong lumalabas kundi pasasalamat sa Diyos na hindi niya ako pinabayaan. Walang nangyaring masama samin. Matagal kong pinagdasal ‘to. Matagal kong pinagtrabahuan ‘to kasama Siya. Siyempre kasama rin yung mga staff, si Coach Aldrin, si Ma’am Cynthia, ‘yung partner ko and ‘yung family ng partner ko,” sey ni Carlos.

The post GF ni Carlos Yulo unang nag-chat noon sa atleta: I’m a fan po appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments