Anak ni Isko Moreno na si Joaquin tatakbo bilang konsehal para sa bagong henerasyon
SUPER proud at excited si dating Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno sa desisyon ng anak niyang si Joaquin, 23, na tumakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Maynila.
Si Joaquin, na sinusundan ang yapak ng ama sa public service, ay may layuning magbigay ng fresh ideas at boses para sa mga kabataan sa konseho ng lungsod.
Sa isang interview, sinabi ni Isko na labis ang kanyang tuwa para sa anak.
“Siya naman ang may gusto niyan, hindi ko sya hinikayat” sey ng dating alkalde.
Aniya pa, “Ang pagmamahal sa tao hindi naituturo ‘yan kahit ng tatay gusto niya talaga ‘yan.”
Baka Bet Mo: Payo ni Joaquin Domagoso sa anak, maging marespeto kahit kanino
Matagal nang active si Joaquin sa mga community outreach programs at advocacy para sa kabataan.
Plano niyang mag-focus sa education, health, at job opportunities para sa mga kapwa niyang kabataan.
Kilala si Joaquin sa pagiging approachable at malapit sa mga kabataan ng Maynila, kaya’t may tiwala siyang madadala niya ang boses ng bagong henerasyon sa konseho ng lungsod.
Habang tumatakbo muli si Isko bilang mayor ng Maynila, nabanggit niya na walang nepotism sa pagtakbo ng anak .
“Wala naman kayong nakikitang Moren sa city hall, at least ngayon may bakante, wala siyang matatapakan,” sambit niya.
Base sa mga huling survey, malaki ang lamang ni Isko (86%) sa mayoral race kumpara sa kasalukuyang Mayor na si Honey Lacuna (8%).
Dahil sa kanyang mga nagawang proyekto noong nakaraang termino at ang tiwala ng mga tao sa kanyang pangako ng pagbabago, maraming Manileño ang umaasa sa kanyang pagbabalik sa City Hall.
The post Anak ni Isko Moreno na si Joaquin tatakbo bilang konsehal para sa bagong henerasyon appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments