Responsive Ad

Angeli Khang umamin, feeling naaabuso ng co-actors

Angeli Khang umamin, feeling naaabuso ng co-actors

INAMIN ng Vivamax actress na si Angeli Khang na nakaramdam siya ng pananamantala mula sa kanyang co-actors sa tuwing gumagawa ng sex scenes.

Sa kanyang panayam sa “Toni Talks” na uploaded noong Linggo, August 4, ibinahagi ng dalaha na may mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng pang-aabuso mula sa kanyang co-actors lalo na kapag intense ang mga eksena.

Tanong ni Toni kay Angeli, “May time ba na you felt na-taken advantage ka?”

Sagot ng dalaga, “Yes, a lot. Lalo na ‘yung mga last movies ko.”

Baka Bet Mo: Angeli Khang hindi lang sa paghuhubad palaban, magaling din sa ‘putukan’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“May times na habang naka-plaster, natatanggal ‘yong plaster kasi tumitigas. Tapos bago pa mag-take ‘yong direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” pagpapatuloy ni Angeli.

Kapag nararamdaman raw niya ito ay iniisip niya na basta isang take lang pero kapag may problema ay nire-raise na niya ito sa direktor upang hindi na ito ipaulit pa.

“Ako, nasa isip ko basta one take, go mo na. After no’n, do’n na ako magrereklamo kay Direk,” sabi pa ni Angeli.

Dumating na rin sa pintong nakakaramdam na ng pagod ang dalaga sa paggawa ng sexy movies.

“Patagal nang patagal do’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka. But still kahit may plaster, kahit minsan may double, ‘yong point of view pa lang na while doing it kailangan mentally prepared ka na ‘yong co-actor mo comfortable kayo sa isa’t isa,” pagbabahagi ni Angeli.

“And minsan nai-stress din ‘yong mga partner mo kasi ‘yong restriction minsan bawal hawakan sa dibdib. Or hanggang bewang lang or dito lang [sa balikat],” pagpapatuloy pa niya.

The post Angeli Khang umamin, feeling naaabuso ng co-actors appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments