Responsive Ad

SB19 Stell sa bagong image: Bolder, more mature, sexier!

SB19 Stell sa bagong image: Bolder, more mature, sexier!

Stell Ajero at SB19

WALANG problema sa mga members ng P-pop supergroup na SB19 kung magkaroon man sila ng respective solo career pero may kakambal itong isang “kundisyon”.

Ayon kay SB19 Stell, napag-usapan na raw nila ng kanyang mga kasamahan sa grupo ang tungkol sa pagri-release ng sari-sarili nilang kanta pati na rin ng kani-kanilang music video.

Pero sabi ni Stell, “Magso-solo kami, but priority pa rin ang group. Iyon naman po ang number one sa amin. We can do our solos but huwag kakalimutan ang group.”

Baka Bet Mo: Star Image sa biglang paglayas ni Madam Inutz: Napakasakit para sa amin

Pagkatapos ngang maglabas ng kani-kanilang kanta ang ibang members ng SB19,  ay si Stell naman ang nag-release ng kanyang first solo single, ang “Room.”

SB19 Stell sa bagong image: Bolder, more mature, sexier!
Sa interview kay Stell ng “On Cue”, in-explain ni Stell kung bakit nahuli siya sa pagsosolo among his co-members, “Na-feel ko lang po na hindi ako ready for this and lagi kong sinasabi na mas sanay ako performing with them.

“Parang ever since kasi nu’ng trainee kami, nag-quit silang lahat then ako ‘yung natira so siguro nandu”n ‘yung fear sa akin na takot ako maiwang mag-isa so hindi ako sanay na ako lang ‘yung mag-isang mag-perform, gusto kong lagi ko silang kasama,” aniya pa.

Mismong ang mga kagrupo raw niya ang nag-encourage sa kanya na maglabas ng sariling kanta as a solo artist, “Now na nakapag-release na ako dahil din sa kanila, sila rin nag-insist na magrelease ako ng solo.”

Isa raw sa mga natutunan niya sa ilang taon na nilang pananatili sa music industry ay ang huwag magpapadikta kahit kanino at palaging ipakita sa publiko ang tunay na sarili.

“Common na sinasabi na dapat kapag nasa boy group ka, boyband ka, dapat ‘yung image mo ganito, ganyan. Ito brineak ko talaga dito, ready na for mature roles, mas mature na Stell na po talaga ‘yung makikita nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)


“Ngayon he is bolder, he is more mature, sexier. Siguro mas confident lang na he can do a lot of things without hesitations.

Baka Bet Mo: Andrea del Rosario ayaw maging sexy star noon, pero walang pinagsisisihan

“Parang dati kasi ‘yung Stell lagi niyang iniisip ‘yung mga tao na baka ma-judge siya, may insecurities, baka ma-misunderstood ako, but now kapag iniisip ko kasi ‘yung mga bagay na ‘yun baka ma-cage lang po ako.

“So kailangan ko lumabas para makita ‘yung reactions ng tao and ‘yung maiisip nila about me, with that makakakuha rin ako ng suggestions kung ano ‘yung gusto nilang makita sa akin,” ang pahayag pa ni Stell sa naturang panayam.

Pagpapatuloy pa niya, “As solo artist plus points din siya for SB19 kasi pag hinayaan namin ‘yung isa’t isa na magsolo-solo makakakuha kami ng mga kanya-kanyang fans.

“So kung makakakuha kami ng sari-sariling fans counted na siya as SB19, magiging fan din siya ng SB19. For me, ang pinaka-goal ko is gusto kong makilala as an artist na kaya ko rin gawin ‘yung mga nagagawa ng ibang artist hindi lang locally pati na rin internationally,” dagdag ni Stell.

The post SB19 Stell sa bagong image: Bolder, more mature, sexier! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments