Responsive Ad

Robin pinu-push makatambal sa pelikula si Sharon, pero: ‘Under negotiation pa’

Robin pinu-push makatambal sa pelikula si Sharon, pero: 'Under negotiation pa'

Robin Padilla, Sharon Cuneta

“UNDER negotiation pa, Reggs, hope magka-ayos,” ito ang sagot sa amin ng publicist ng Borracho Films Productions na si Anne Venancio tungkol kay Megastar Sharon Cuneta.

Tinanong kasi namin kung ano ang update sa kahilingan ni Senador Robin Padilla na ang gusto niyang gaganap na Mrs. Jane Umali, ang wife ni dating senador Gringo Honasan ll ay si Sharon.

Ilang beses itong nasambit ng aktor-politician sa mediacon ng biopic na “Gringo:  The Greg Honasan Story” na sana ang Ma’am Sharon niya ang makatambal niya dahil nagkatrabaho na raw sila ng ilang beses kaya’t wala nang ilangang mangyayari.

At kaya rin naman gusto ito ng senador ay dahil may basbas ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla na sa lahat ng nakarelasyon ni Robin ay kay Sharon lang ito hindi nagselos (bukod pa kay Vina Morales) at ibinuking din kinikilig si Mrs. Padilla sa tambalang Binoe at Shawie.

Kaya naman ang lakas ng loob ni Robin na sana magkaroon ng kissing scene sa kanila ni Mega dahil kailangan naman daw iyon bilang mag-asawa sila sa pelikula.

Baka Bet Mo: Robin Padilla sa hiwalayang Kathryn, Daniel: Magkakabalikan ‘yun!

Ang kaso, wala siyang nabasang kissing scene sa script kaya’t nalungkot siya at hihilingin daw niya sa mga direktor niyang sina Lester Dimaranan at Abdel Langit na lagyan kahit isa lang.

Naniniwala kasi si Robin, “Malaking factor ‘yun na meron para makahatak ng manonood at kiligin din ang fans.”

May point din naman ang bibida sa “Gringo: The Greg Honasan Story” dahil nandiyan pa ang loyal supporters nina Robin at Sharon na nagsimula sa “Maging Sino Ka Man” movie.

Bago ang mediacon ay natanong namin si Mariel kung may partisipasyon siya sa Gringo movie o siya ang gaganap na asawa tutal ilang eksena lang iyon.

“Wala akong partisipasyon ha, ha, ha.  Wala na akong acting skills ha, ha, ha,” sagot ng maybahay ni Binoe nang i-chat namin through Instagram.

Anyway, nabanggit din ng senador na kampante si Mariel kapag si Sharon ang leading lady at hindi na ito kailangang pumunta-punta sa shooting.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang balita kung nagsimula nang mag-shoot si Robin, pero dahil napapanood namin lagi sa balita na laging present si Robin sa mga hearing sa senado tungkol kay Bamban mayor Alice Guo at sa katatapos na hearing na nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang senador na sina Allan Peter Cayetano at Nancy Binay.

Planong isali ni Atty. Ferdinand Topacio ang “Gringo:  The Greg Honasan Story” sa 2024 Metro Manila Film Festival dahil naniniwala siyang patok ito, lalo na sa mga naka-miss kay Robin na mag-action.

The post Robin pinu-push makatambal sa pelikula si Sharon, pero: ‘Under negotiation pa’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments