Responsive Ad

Leonardo DiCaprio may apela kay PBBM kaugnay sa Masungi, DENR sumagot

Leonardo DiCaprio may apela kay PBBM kaugnay sa Masungi, DENR sumagot

Leonardo DiCaprio, President Bongbong Marcos

IBINANDERA ng sikat na Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio ang kanyang suporta pagdating sa Masungi Georeserve.

Sa katunayan nga ay nanawagan pa siya kay Pangulong Bongbong Marcos na protektahan ito sa gitna ng mga talakayan na babawiin ang isang kasunduan noong 2017 sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Masungi Georeserve Foundation Inc. (MGFI).

Si Leonardo ay kilala sa pagiging advocate sa kalikasan at nagbahagi pa siya sa Instagram ng educational information tungkol sa Masungi.

Ayon sa kanya ang protected area sa Tanay, Rizal ay kasalukuyang nasa panganib na posibleng humarap sa banta ng pagmimina, pagtotroso, at marami pang iba.

“Masungi is a lush montane rainforest landscape outside of Manila, the bustling capital of the Philippines. In the late 1990s, much of Masungi was illegally deforested. Local communities fostered the development of the @masungigeoreserve, spurring efforts to restore this precious ecosystem. From these conservation initiatives, trees were able to grow taller, wildlife numbers slowly increased, and more locals became involved in protecting this ecosystem,” caption ng international actor, kalakip ang ilang litrato at videos ng Masungi.

Baka Bet Mo: Anne Curtis nabahala sa drilling operations sa Masungi Georeserve

Patuloy pa niya, “Now this success is in jeopardy, as the Department of Environment and Natural Resources threatens to cancel the agreement that protects this area from prolific land-grabbing activities. This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments.”

Kasunod niyan ay binanggit na niya ang ating presidente at iginiit na tinutulungan ng Masungi ang Pilipinas pagdating sa sustainability aspects.

“Join local rangers in calling on President @bongbongmarcos to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” paliwanag ni Leonardo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leonardo DiCaprio (@leonardodicaprio)

Hindi naman nagtagal ay naglabas ng pahayag ang DENR kaugnay sa concern ng Hollywood actor.

Nanindigan ang ahensya na mananaig ang “rule of law” sa nasabing lugar.

“No one is exempt from the law,” saad ng DENR sa isang statement.

Wika pa, “We appreciate the statements of concern for the Philippine environment from international celebrities who are distinguished in their respective fields.”

“As the DENR continues to take steps toward strengthening its compliance and enforcement capacities, we value all those parties who have submitted themselves to the required processes and procedures as defined by existing laws,” ani pa.

Ang Masungi Georeserve ay mina-manage ng Masungi Georeserve Foundation Inc. (MGFI) at pinondohan ng private firm na Blue Star Construction & Development Corporation.

The post Leonardo DiCaprio may apela kay PBBM kaugnay sa Masungi, DENR sumagot appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments