Responsive Ad

Jed Madela nahihiya at nai-starstruck pa rin kina Lea, Regine at Martin

Jed Madela nahihiya at nai-starstruck pa rin kina Lea, Regine at Martin

Jed Madela

HANGGANG ngayon ay nai-starstruck at nahihiya pa rin ang world champion na si Jed Madela kapag nakakaharap at nakakasama niya on stage ang kanyang mga celebrity idol.

Iyan ang inamin ni Jed sa nakaraang presscon para sa kanyang birthday concert na “Welcome to My World” na magaganap sa July 5 sa Music Museum.

In fairness, mahigit dalawang dekada na sa entertainment industry si Jed pero until now ay very much active pa rin siya sa pagkanta at pagpe-perform hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Baka Bet Mo: Jed ayaw makipag-showdown kay Stell, collab na lang: Grabe! Ang galing!

Ngayon pa lang ay super excited na ang Kapamilya star sa nalalapit niyang concert na aniya’y magiging one for the books dahil sa napakaraming sorpresa na kanilang inihanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial)


“The concert, ‘Welcome to my World’, is an extra special concert kasi kung hands on ako sa mga past concerts ko, itong concert na ito pati feet on, lahat as in,” natawang pagbabahagi ni Jed na isa rin sa mga producer ng show.

Patuloy na chika ng award-winning singer, “Siyempre nandoon pa rin yung mga birit, birit natin because people expect me to do that but it’s going to be more of story time.

“It’s going to be storytime. All the songs that I’ll be singing are all handpicked by myself, not just because uso or gusto ko siya. It’s because these songs will tell a story and if you listen closely, you’ll understand anong pinagdaanan ko, anong pinagdadaanan at pagdadaanan pa.

“It’s going to be an evening of storytelling talaga para maintindihan nila kung ano ba talaga ang world ni Jed Madela,” lahad pa niya.

Baka Bet Mo: Jed Madela magreretiro na nga ba sa pagkanta: Is this a sign?

“It’s going to be a general story of what I’ve been through for the past 20 years and what I am going through at this specific moment and kung ano yung plans ko in the near future,” dagdag ni Jed.

Promise pa niya sa lahat ng mga susugod sa Music Museum para sa kanyang birthday concert, “With all the chaos and sa lahat ng kaguluhan na nangyayari ngayon sa mundo, let me take you away for a while and kakantahan ko lang kayo para medyo umokay naman ang mundo natin for a while.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial)


“That’s why I call it Welcome to My World. On July 5, I will be releasing a brand-new song and a brand-new sound,” dagdag pa niya.

Sa pagbabalik-tanaw ni Jed sa 23 years niya sa showbiz, nabanggit niya na isa sa talagang ipinagpapasalamat niya ay ang makasama sa iisang stage ang mga iniidolo niya mula pa noong bata siya kabilang na riyan sina Martin Nievera, Regine Velasquez at Lea Salonga.

“Du’n sa mga hindi nakakaalam, it was never a plan for me to get into showbiz. Hinahangaan ko lang itong mga ito, sina Sir Martin, Miss Regine, Miss Lea, everybody.

“But for me to be sharing the stage with them, hanggang ngayon, nagpa-fanboy pa rin ako. I still get startstruck and whenever they say things like that, eyyy, nakakahiya! I’m very, very happy that they’re not just my idols, but they’re also my friends,” ani Jed.

The post Jed Madela nahihiya at nai-starstruck pa rin kina Lea, Regine at Martin appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments