Responsive Ad

Anthony shookt sa success ng tambalan nila ni Maris; may isyu kay Donny?

Anthony shookt sa success ng tambalan nila ni Maris; may isyu kay Donny?

Anthony Jennings at Maris Racal

KAHIT ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings ay na-shock sa mainit na pagtanggap ng madlang pipol sa tambalan nila ni Maris Racal.

Pak na pak ngayon ang loveteam nina Anthony at Maris sa hit TV series na “Can’t Buy Me Love” sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Talagang abangers din ang manonood sa mga eksena nina Anthony at Maris na gumaganap bilang sina Snoop at Irene Tiu. Bukod sa DonBelle, lagi na ring trending ngayon ang “SnoopRene”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


“Well kay Maris naman sini-ship as love team daw. Pero kami naman ay nire-respect namin ‘yung isa’t isa, ‘yung relationship ng isa’t isa.

“Katulad din ng buong cast maganda naman ‘yung relationship namin,” ang pahayag ni Anthony sa panayam ng “Magandang Buhay” nitong nagdaang Martes, January 23.

 Baka Bet Mo: Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

Super thankful din ang aktor kay Maris, “Alam ko na magaling, napapanood ko na si Maris dati like ‘PBB’ pa lang, tapos ngayon magkasama kami sa show. Napapanood ko na siya.

“Sabi ko, ‘Ang galing nito siguro, lalo na kapag comedy.’ And that time since bago rin ako ay nanghihingi rin ako ng tip sa kanila, siyempre sa mas nakakatanda sa akin,” aniya pa.

Nagbigay naman ng mensahe si Maris para kay Anthony sa pamamagitan ng recorded video, “You deserve this recognition. I am so happy to be one of your co-worker and kaeksena as Irene Tiu.

“I am so proud of you, aim for the stars, kasi papunta ka na roon. I am so proud of you. I am rooting for your success. I am very, very happy for you Anthony and you deserve all the love that you are getting and the success din,” sey pa ni Maris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Ayon naman kay Anthony, hindi rin daw niya in-expect na mapapasama siya sa “Can’t Buy Me Love” ng DonBelle, “Actually matagal na ‘yung character pero biglaan lang din kasi ‘yung sa akin tinawag lang ako one day before.

Baka Bet Mo: Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

“So ang nangyari may ginagawa ako that time na show ‘yung ‘Iron Heart’ pa, tapos daming nangyari. May sinusulat kasi akong character doon sa ‘Iron Heart’ pero hindi ko masyadong nailabas doon since maraming nangyari nga.

“Nasulat ko siya that time ‘yung character na ‘yon, tapos sabi ko parang mas magwo-work siya rito sa Snoop, mas street kid, mas smart kid siya, alam niya kung paano ‘yung tono ng pananalita niya, tapos parang mas nag-work siya rito sa ‘Can’t Buy Me Love,'” sey ng binata.

Mariin ding pinabulaanan ni Anthony ang chika na hindi raw sila okay ni Donny. Meron daw kasing mga tao na pilit silang pinag-aaway at ginagawan ng isyu.

“‘Yun nga rin po ang hindi ko maintindihan. Basta kami po ay ginagawa namin ang best naming lahat para sa show po talaga. At napag-usapan, nakikita naman po namin ni Donny ‘yon.

“Sinasabi lang namin na ‘wag na lang pansinin kasi lahat naman ng ginagawa ay para sa show at lahat doon ay magagaling,” sey ni Anthony.

Matatandaan na sinabi ni Donny na very proud siya sa kasikatan ngayon ng tambalang SnoopRene.

The post Anthony shookt sa success ng tambalan nila ni Maris; may isyu kay Donny? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments