Angeline Quinto first time hindi naka-join sa Traslacion: ‘Medyo nalungkot ako’
TILA nadismaya ang batikang aktres na si Angeline Quinto ngayong nagbabalik ang grand procession ng Itim na Nazareno o Traslacion matapos ang tatlong taong hiatus.
Alam naman ng marami na isang deboto si Angeline, pero sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay hindi siya nakasampa sa andas.
Sa panayam ng ABS-CBN, aminado ang singer na nalungkot siya dahil hindi niya nagawa ang taunang tradisyon.
Naikuwento pa nga niya na nagsimula siyang maging deboto ng Black Nazarene noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.
“First time rin na nangyari na hindi ako nakasampa sa Mahal na Poong Nazareno. Medyo nalungkot lang ako nung nalaman ko sa mga kaibigan ko na nakabalik na pala siya ng simbahan,” sey ni Angeline.
Chika pa niya, “Kadalasan before nakakasampa kami ng mga 12 midnight or 1 a.m.”
Baka Bet Mo: Kiray, Stephan sumugod sa Traslacion: Walang imposible! Viva, Nazareno!
Bagamat hindi na siya nakasali sa Traslacion ay present naman siya sa Thanksgiving mass matapos ang prusisyon.
Kasama niya sa pagpunta sa Quiapo church ang kanyang partner na si Nonrev Daquino at ilang mga kaibigan.
Ayon kay Angeline, lubos ang pasasalamat niya dahil mayroon siyang partner na pareho ang paniniwala at debosyon.
“Kasi si Non dahil laking Sampaloc (Manila) rin siya, so buong family niya devotee rin ng Nazareno at ayun naman rin ‘yung isa sa kinagulat ko. Natutuwa ako na pareho pala kami ng devotion,” sambit ng beteranng mang-aawit.
Naging makasaysayan ang Traslacion ngayong taon dahil naitala nito ang pinakamabilis na prusisyon kung saan naihatid ang Black Nazarene mula Quirino Grandstand papuntang Quiapo church sa loob lamang ng 15 na oras.
Bukod kay Angeline, ilan pang mga artista na kilalang deboto ng Itim na Nazareno ay sina Kiray Celis, Coco Martin, at McCoy de Leon na mga nakasali sa grand procession this year.
The post Angeline Quinto first time hindi naka-join sa Traslacion: ‘Medyo nalungkot ako’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments