Responsive Ad

ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

GOOD morning, ka-Bandera! Nase-senti ka rin ba sa ulan? Huwag kalilimutang basahin ang iyong ChiKapalaran para mas lalo kang mag-overthink habang bumubuhos ang ulan. Eme.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

It was never easy letting go pero tulad nga ng madalas sabihin ng iba, kung para sa ‘yo ang isang bagay o tao, gagawa ng paraan ang universe para muli mo itong matagpuan.

May mga bagay talagang masakit makitang mawala sa atin pero hindi ba, ang mabigat palaging gumagaan kapag binibitawan? Yakap with consent!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 11

Song of the Week: Before I Let You Go by Freestyle

TAURUS (April 20-May 20)

Isang thumbs up for a job well done! Hindi man madali ang pinagdaraanan mo ngayon dahil pasok ka sa listahan bravest soldiers ni Lord ngayong taon, proud ang universe dahil hindi mo sinusukuan ang mga problema.

Konting laban pa, makaka-graduate ka rin sa taong 2023. Kapit lang, ha? Tayo tayo pa rin sa finish line.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 9

Song of the Week: I’ll Never Go by Eric Santos

GEMINI (May 21-June 20)

It’s time para harapin ang problemang ikaw rin naman mismo ang may gawa. Hindi rin maintindihan ni universe bakit ba palagi ka na lang gumagawa ng sarili mong problema.

Dalawa lang ‘yan. Magso-sorry ka at magbabalik o papanindigan mo ang nauna mong desisyon. Choose your battle, wisely.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 5

Song of the Week: Panalangin by APO Hiking Society

CANCER (June 21-July 22)

Chill ka lang today. ‘Yung tipong matutulog lang sa trabaho kasi cuddle weather. Bakit nangingiti ka? Uyy. Gawain.

Pero wala namang problema ngayong linggo. Kung gusto mo ng spice in life, nood la ng KDrama. ‘Yung “The Penthouse” tutal mahilig ka namang maghiganti. Chareng

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 18

Song of the Week: Let Me Be The One by Jimmy Bondoc

LEO (July 23-August 22)

Planning on changing career paths? Universe is here to back you up! Go and explore other fields. As bida bida, kayang-kaya mo yan. Ikaw pa ba?

Basta learn who to trust. May mga taong nakangiti pag kaharap ka pero pag waiting na saksakin ka kapag nakatalikod ka na. Ingat sa mga sezwang. Feeling sis pero aswang pala na nag-aantay na atakihin ka.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 21

Song of the Week: Kasama Kang Tumanda by Ogie Alcasid

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)

Stop blaming yourself sa mga bagay na hindi umayon sa mga plano n’yo. No one is at fault. Talgang hindi pa ito ang perfect timing.

Focus ka na lang muna sa mga bagay na sa tingin mo ay magpapasaya sa ‘yo. Sumubok ka ng ibang bagay na pwedeng magbigay ulit ng saya sa ‘yo.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 29

Song of the Week: Your Song by Parokya Ni Edgar

LIBRA (September 23-October 22)

Minsan akala natin palagi tayong tama pero minsan, tamang hinala lang pala. Makinig rin tayo sa mga nasa paligid natin.

Sila ‘yung mas nakakaalam at nakakakita pag hindi na tama ‘yung ginagawa o inaasta natin. Huwag mong damdamin kapag sinita ka. Mas ok na ‘yun kaysa sinisiraan ka.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 10

Song of the Week: Ang Huling El Bimbo by Eraserheads

SCORPIO (October 23-November 21)

Bilhin mo na. Oo. Bilhin mo na. Huwag mo nang pag-isipan kung deserve mo ba o hindi. Bilhin mo na para matigil na kakaisip sa mga pros and cons sa pagbili ng bagay na matagal mo nang binabalik balikan.

Kung sakaling di mo man deserve, at least sumaya ka. Ok na ‘yun.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 23

Song of the Week: Narda by Kamikazee

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Hindi ikaw ang problema. Hindi rin sila. Alam mo kung anong mali? ‘Yung sistema. ‘Yun ang magiging malaking factor ng nalalapit na setback mo sa buhay.

Hindi na pwede ‘yung palagi kang naka-yes sa isang bagay. Learn to say no. Break free. Huwag matakot sumalungat sa mga mali.

Lucky Color: Maroon

Lucky Number: 17

Song of the Week: Migraine by Moonstar 88

CAPRICORN (December 22-January 19)

Say yes sa yaya ng tropa. Oras na para mag-travel. Time out muna sa nakaka-stress na acads at trabaho. Now is the time to relax at mag-download ng dating apps para sa poging afam!

Okay lang gumastos, huwag ma-guilty. Deserve mong sumaya dahil pera mo ‘yan. Ang mahalaga nagbabayad ka ng tax. True? True!

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 26

Song of the Week: Trip Lang by Shehyee

AQUARIUS (January 20-February 18)

Mami, wala namang pa-talent portion si mayor pero parang lagi mong ginagalingan. Gets ko naman na lately ay parang madaming problema ang sumusubok sa ‘yo pero hindi lahat ‘yun kailangang pagtuunan ng pansin.

May mga problema na pinapalampas at pinapalaya na lang dahil wala nang solusyon. Wag mong galingan at subukang ayusin lahat. Tao ka. May limit. Itulog mo na lang yan.

Lucky Color: White

Lucky Number: 8

Song of the Week: Huwag Na Lang Kaya by Truefaith

PISCES (February 19-March 19)

Isang paalala lang naman ang nais kong tandaan mo, may mga bagay na dapat ipaglaban at may mga bagay na pansamantalang binibitawan.

Hindi lahat ay dapat nating pagtuunan ng pansin. Tiwala lang, magiging maayos rin ang lahat. Isang mahigpit na yakap, ka-Bandera!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 19

Song of the Week: Mahal na Mahal by Sam Concepcion

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mars! Huwag n’yong hayaan ang iba na agawin sa inyo ang spotlight. Ang mundo ay isang malaking Quiapo, mag-simba ka at magpasalamat sa lahat ng blessings na natatamasa mo.

Request ka na rin ng additional strength kay Lord para ma-elbow mo ang mga challenges sa buhay. Cheers!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 7

Song of the Week: Crazy For You by MYMP

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Iba pang ChiKapalaran:

ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

The post ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments