Responsive Ad

Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal?

Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal?
HINDI makapaniwala ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa kumakalat na balita ukol sa paggamit ng vape ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sa latest upload niya sa kanyang “Showbiz Update” vlog ay tinalakay niya ang isyu kasama sina Mama Loi at Mrena.

“Ginagawang big deal e small deal lang naman ito. Itong mga netizens ang OA OA naman. Ano ba? Si Kathryn Bernardo, nagbe-vape… Ilang taon na ba si Kathryn para idikta natin sa kanya kung anong gusto natin na gawin niya?” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya,”Normal ‘yun, ano ba? Bakit ginagawang big deal?”

Ani Ogie, tila hindi sanay ang madlang pipol na makita si Kathryn na naninigarilyo.

“Kung babasahin ko ang mga netizens, parang hindi sila sanay na makita si Kathryn o ang artista na isang wholesome sa pagkakakilala nila na nagbe-vape or umiinom ng alak, o nagyoyosi. Hindi sila sanay sa ganyan.

“Siyempre si Kathryn, ang taas ng tingin nila tapos ‘Ay nagbe-vape rin pala siya’. Anong dapat i-react ni Kathryn?” Chika pa ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinabulaanan ang kumakalat na chika ukol sa ‘paninigarilyo’ ni Kathryn Bernardo: Never po, never!

“At tsaka common yata ‘yun sa mga child star na lumaki sa paningin natin. Feeling natin forever bata,” sey naman ni Mama Loi.

Naihambing pa nga ni Ogie ang magiging reaksyon ng netizens kapag narinig nilang magmura ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

“Nakakaloka ang mga netizens talaga. Mema lang,” aniya.

Sabi naman ni Mama Loi kay Ogie, mukhang hindi sanay ang publiko ma may hawak na vape si Kathryn.

“Parang feeling nila, nakakabawas sa pagka-wholesome. Diyos ko po, tama na ‘yang mga ganyan. Nakakaloka,” hirit pa ni Ogie.

Chika pa nga niya, tila “me time” o personal time ni Kathryn noong nakunan siyang gumagamit ng vape.

Giit pa ni Ogie, “Tsaka hindi isyu ‘yun. Ano ba naman? Kakaloka.”

Related Chika:
Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

The post Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments