Responsive Ad

Angeline inaatake ng post-partum depression: Minsan bigla na lang akong iiyak, tapos galit na galit ako sa tatay ng anak ko…

Angeline Quinto, Nonrev Pelayo at Baby Sylvio

TULAD ng ilang kapwa niya nanay, mukhang nakararanas din ngayon ng post-partum depression ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto.

Ayon sa first-time celebrity mom, hindi pa siya nagpapa-check-up sa doktor pero feeling niya ang nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay ang sinasabi ngang post-partum depression.

“Nag-guest ako sa ‘Magandang Buhay,’ sabi nga nila ‘yung post-partum daw. Sabi ko paano malalaman kung mayroon akong post-partum after kong manganak?” pahayag ni Angeline sa panayam ng Star Magic Inside News.

“Minsan daw hindi mo talaga alam ‘yon. So may mga pagkakataon po na bigla akong iiyak, ‘di ko alam kung ano ang dahilan. Minsan ‘yung papa ng baby ko, galit ako sa kanya, ‘di ko rin alam ang dahilan.

“Minsan may time na in love na in love ako. May time na tuwang-tuwa ako sa kanya. Sabi ng manager ko baka ‘yan na yung isa sa post-partum na tinatawag. Hindi ko po alam talaga,” simulang kuwento ni Angeline.

Patuloy pa niya, “Pero alam mo ‘yon, parte ‘yon nang pagiging nanay. Kumbaga ini-embrace ko naman ‘yung mga emotions na ganyan. After nung kapag nagalit ako, umiyak ako, move on na ako ulit. Iniisip ko ano naman kaya bukas ang emotion ko.”

Ngunit ayon sa singer-actress, nababawi lahat ng kanyang anak ang mga hirap at pagod na pinagdaraanan niya bilang ina.

“Minsan naiisip ko hindi madali, pero kapag nakikita ko ang anak ko, lahat ‘yon nakakalimutan ko. Nakakalimutan ko ang hirap, nakakalimutan ko ang pagod at ‘yun nga ang dami ko pang gustong malaman at maintindihan sa pagiging mommy. At lahat naman ‘yan ay ready ako na matutunan lahat for baby,” pahayag ni Angeline.

Chika pa niya tungkol sa pagiging nanay, “Ang pinaka-challenging ‘yung lagi akong puyat. Minsan natataranta ako kapag biglang umiiyak ‘yung baby. Minsan kapag pinaliliguan mo siya, ‘di mo alam kung may mali ba sa paraan ng pagpapaligo ko.

“Pero thankful din at blessed sa mga nanay na nandiyan, ‘yung mga nanay na malapit sa akin. Mayroon akong mga kaibigan na mommies din. So kapag mayroon akong hindi naiintindihan, sila ‘yung tumutulong sa akin lalo na for Sylvio, sa anak ko,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“After na nawala ni Mama (Bob), hindi ko na alam kung ano ang purpose ko sa buhay. May mga work ako pero hindi ako masaya. Gusto ko muna mag-stop sa trabaho ko pero feeling ko nung time na ‘yon baka mas lalo akong mag-isip, mas lalo akong malungkot kung hihinto ako sa work.

“So pinilit kong magtrabaho kahit nahihirapan ako. Wala pang one year dumating si Sylvio, umalis si Mama may ibinigay na baby sa akin. Sabi ko talagang binabalanse ng Diyos ang nangyayari sa buhay natin. At sobrang thankful ako ngayon na nandiyan si Sylvio.

“Sa ngayon ang dami kong pangarap. Ang dami kong mga plano sa buhay ko, dati hindi naman. At siyempre bukod sa sarili ko lahat ay ginagawa ko ngayon for Sylvio at sa binubuo naming family,” sey pa ng first-time mom.

Pauleen nalulungkot, natatakot sa ilang negatibong epekto ng online class kay Tali

Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay

Moira nakitira sa condo ni Sam nang tamaan ng matinding depression

The post Angeline inaatake ng post-partum depression: Minsan bigla na lang akong iiyak, tapos galit na galit ako sa tatay ng anak ko… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments