Responsive Ad

Alden ‘fitspiration’ ni Bea: Grabe! Ang sipag niyang mag-workout, he really eats healthy

Alden Richards at Bea Alonzo

BILIB na bilib ang award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo sa disiplina at dedikasyon ni Alden Richards na mapanatili ang kanyang malusog at magandang katawan.

In fairness, itinuturing na nga raw niya ngayong isang “fitspiration” ang leading man niya sa unang teleserye niya sa GMA 7, ang Pinoy version ng hit Korean series na “Start Up PH”.

Ayon kay Bea, talagang nakikita niya na kinakarir ng Asia’s Multimedia Star ang kanyang disiplina pagdating sa tamang  pagkain at regular exercise.

“He inspires me to be healthy because, grabe, ang sipag niya mag-workout. He really eats healthy. He eats right.

“Kapag nakikita ko kung paano niya ginagawa, talagang nai-inspire ako parati,” pahayag ni Bea sa isang interview.

Samantala, naibalita rin ng dalaga sa nasabing panayam na malapit na silang sumabak sa panibagong lock-in taping para sa Philippine adaptation ng “Start Up”.

Ayon sa girlfriend ni Dominic Roque, naging madali lang ang adjustment period para sa kanya dahil sa tulong at suporta ni Alden.

“He’s fun to be around. Kapag nasa set he’s very playful. Siguro kasi matagal na rin niyang nakatrabaho ‘yung staff na kasama namin dito.

“He makes sure talaga na lahat tumatawa, magaan, and I appreciate that,” chika ni Bea.
Hirit naman ni Alden, “‘Yun naman din ‘yung the least I could do especially kay B, since nga she’s new sa GMA.”

“Para siyang welcoming committee!” natatawang sabi naman ni Bea.

“Ako ‘yung welcoming committee. Ako ‘yung taga pa-relax kay B, na parang okay ‘to, ganyan lang ‘yan dito,” sey naman ng Pambansang Bae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Bukod dito, todo puri rin sina Bea at Alden sa isa’t isa pagdating sa aktingan.
Sabi ni Bea, “Aam mo yung pag-arte para siyang sayaw, may sarili kayong rhythm so parang easier.”

“Ako naman po, giver si Bea. When you act with Bea, para kayong nakasakay sa isang stream na dire-diretso lang,” ani Alden.

“Tsaka sabi ko nga, mas komportable na kami sa isa’t isa. Since siya na nga yung official welcoming committee ko sa GMA, I feel na parang mayroon akong paninibago or first time kong ma-meet yung certain person, siya yung una kong natatanong.

“Siya yung nagpapaliwanag sa akin sa mga bagay-bagay. So I’m lucky that he’s beside me. He’s such a wonderful human being,” sabi pa ni Bea.

Camille sa mga hindi natutuwa sa kanyang pagpayat: Wala akong nakikitang mali sa katawan ko

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!

The post Alden ‘fitspiration’ ni Bea: Grabe! Ang sipag niyang mag-workout, he really eats healthy appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments