Responsive Ad

Baguhang Vivamax sexy star na si Katrina Dovey walang hiya-hiya sa paghuhubad: Handa kong gawin lahat!

Katrina Dovey

PARAMI na nang parami ang mga babaeng palaban at walang hiya-hiya pagdating sa paghuhubad na napapanood sa mga pelikulang ipinalalabas sa Vivamax.

Sa “Doblado” na nagsimula nang ipalabas last May 6, isa na namang bagong bombshell ang nagpasabog sa pelikula — siya si Katrina Dovey na isang balikbayan mula sa United Kingdom.

Nakachikahan ng entertainment media si Katrina sa ginanap na online presscon ng “Doblado” at dito nga siya nagbigay ng ilang detalye about herself.

“I was born and raised here kaya magaling akong mag-Tagalog. I finished business administration then I went to the UK to work in real estate.

“But I had to come back here in October of 2021 kasi my mom and my grandma are here. I first went into modeling before joining Viva,” simula niyang kuwento.

Ibinahagi rin niya kung paano siya na-discover, “I was having dinner with my best friend. Mother niya si Lara Morena. It so happened that she saw me and asked me if I’d want to try acting.

“I said yes and she brought me to Viva and isinama nila ako sa cast ng ‘Adarna Gang’. I played one of the girls of Diego Loyzaga,” chika pa ni Katrina.

At ngayon nga, bibida na siya sa “Doblado”, “Yes, I play Pink Panther, isa sa mga alagang call girls ni Gwen Garci, our mamasan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina Dovey (@katrinadovey)


Wala raw siyang issue sa pagganap bilang high school prostitute sa pelikula, “None, as I’ve always been a sexually empowered woman and we were born naked, so bakit may malisya ang showing of naked bodies?”

“Maraming scenes po dito na hot and steamy kaya dapat talaga nilang abangan. I just have to use my own sexual energy to do them.

“Actually, mas nahirapan ako doon sa bathtub scene na papatayin ako. Tapos nilagyan ako ng fake blood na syrup at pumasok yun sa ilong ko. Masakit!” natatawa pang kuwento ng sexy star.

Best friends sila sa kuwento ng isa pang palabang sexy star ng Viva na si Denise Esteban na meron ding double life — estudyante sa umaga at prostie sa gabi. Kumusta ang working relationship nila?

“Denise and I took the same acting workshops before sa Viva when we started and since then tuloy-tuloy na ang friendship namin and we have become super close.

“We’re now together again doing lock in taping in the series, ‘High on Sex’, directed by GB Sampedro, who’s also our director in ‘Doblado,’” aniya pa.

Paano siya nagpe-prepare sa mga sexy scenes, “For me, all you have to do is just do your best in every scene. Give everything you have, so you’d have no regrets at the end of the day.

“E, itong ‘Doblado’, ang ganda ng kuwento, ang ganda ng cinematography, so I’m proud be part of this movie.”

Sey pa ng dalaga patungkol sa paghuhubad sa harap ng camera, “Wala akong limitations. I’m just ready to do anything para sa ikagaganda ng pelikula.

“In doing a sexy scene, we study the choreography beforehand kasi lahat naman sa eksena, planado na ng director. We just follow it para hindi mahirap ang execution,” aniya pa.

Inamin din ni Katrina na kontra sa pagpapa-sexy niya ang kanyang pamilya, “My mom was against it. Naiilang siya na maghuhubad ako. But now she’s very supportive kasi she knows I love what I’m doing.”

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Bagets sikat na magulang lang ang puhunan sa pagtakbo sa Kongreso

Vivamax sexy star Denise Esteban hirap na hirap sa rape scene nila ni Mark Anthony: Binaboy niya kasi ako sa eksena…

The post Baguhang Vivamax sexy star na si Katrina Dovey walang hiya-hiya sa paghuhubad: Handa kong gawin lahat! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments