Responsive Ad

Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga

HINDI naman lahat ng konektado, nagtatrabaho pati na ang mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN ay galit kay Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta niya sa presidential candidate na si Bongbong Marcos.

May mga Kapamilya pa ring nakakaintindi sa TV host-vlogger sa naging desisyon nito na suportahan ang ilang kandidato sa May, 2022 elections na nagtulak noon sa kongreso na ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Mas lalo pang naging kontrobersyal si Toni nang bigla niyang ihayag na nagbibitiw na siya bilang host ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”. Ipinalalagay ng marami na pinuputol na nga ng aktres ang ugnayan nito sa kanyang mother network.

“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca (Gonzalez) and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.

“It’s been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart.

“Thank you Kuya for everythibg. This is your angel, now signing of…” ang kabuuan ng official statement ni Toni na kanyang ipinost sa Instagram.


May mga nagkomento ng nega sa pamamaalam ni Toni sa “PBB” pero mas marami pa rin naman ang nagpahayag sa kanya ng suporta kabilang na ang mga kaibigang sina Bianca at Mariel Rodriguez na pareho niyang nakasama sa “PBB.”

Mensahe ni Mariel kay Toni, “I love you toni. You are a friend and a sister FOREVER (heart emoji) welcome to the outside world, Toni.”

Comment naman ni Bianca sa message ni Mariel, “@marieltpadilla (crying, heart emojis) Nobody can ever take your place and do it like you @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both.”

Sagot uli ni Mariel, “@iamsuperbianca friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! (thumbs up emoji) we believe in you!”

Hindi nabanggit ni Toni ang rason ng pag-alis niya sa “PBB” pero ang feeling nga ng netizens, may konek ito sa pagpayag niya na maging host sa Uniteam proclamation rally nina dating Sen. Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte na ginanap sa Philippine Arena kamakalawa, Feb. 8.

At mas lalo pa ngang nadiin si Toni nang buong-ningning niyang ipakilala sa rally si Deputy Speaker Rodante Marcoleta na kabilang sa senatorial ticket ng Uniteam.

Matatandaang isa si Marcoleta sa mga kongresista na kumontra sa pagbibigay uli ng prangkisa ang ABS-CBN.

May mga nag-repost pa nga ng naging pahayag noon ni Toni laban sa mga nagpasara sa kanyang mother network.

“Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN. You may have the power now but it will not be forever… Babangon tayong lahat muli. #yakapkapamilya,” ani Toni.

Toni exit na sa PBB, wala raw formal resignation; Bianca papalit bilang main host

Mariel ‘binanatan’ nang bonggang-bongga si Robin matapos magpa-interview kay Ogie Diaz

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

The post Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments