Responsive Ad

Ion Perez ibinandera ang ipinapagawang dream kitchen para sa ina

Ion Perez ibinandera ang ipinapagawang dream kitchen para sa ina

PROUD na proud na ibinahagi ng “It’s Showtime” host na si Ion Perez ang kanyang ipinapagawang kusina para ina.

Sa kanyang latest vlog ay isinama niya ang madlang pipol sa pamimili ng mga gamit para sa kusinang pinapangarap ng kanyang ina.

Kuwento niya, maliit lang daw ang kanilang kusina noon kung saan sila nagluluto ng kanilang kalamayvkaya naman ngayon ay nagdesisyon siyang palakihan ito dahil mahal ng ina ang pagluluto.

“Alam niyo na pag ang nanay mahilig magluto, mahilig sa kusina yan,” saad ni Ion.

Personal na namili ang binata ng mga gamit para sa kusina para sa kanyang ina at siya na rin mismo ang nagdala nito sa kanilang bahay sa Tarlac.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

“May pinapaayos tayo doon sa bahay niya. Medyo madilim doon sa pinagtayuan ng bahay niya so kailangan nating bumili (ng ilaw),” pagbabahagi ni Ion.

Aniya, nais niya ring magpunta ng Tarlac para personal na magsabi sa mga gumagawa ng mga nais niyang ipaayos.

yun nga lang kinakailangan niyang um-absent sa “It’s Showtime”.

“Although sinasabi ko naman sa mga kapatid ko pero syempre iba pa rin kapag ako yung nag-discuss doon sa gumagawa na dito niya dapt ilagay ito kasi siyempre… Alam n’yo na, ‘yung feeling na nagpapagawa at hindi nakuha ‘yung gusto,” sabi ni Ion.

Kitang kita naman ang saya ng kanyang ina sa pagtupad ng anak sa kanyang pangarap na kusina na matatapos bago ang kanyang kaarawan.

May mga gamit pang hindi nabibili si Ion para sa kusina ng kanyang ina ngunit sa Manila na lang daw siya bibili ng mga ito.

Marami namang mga netizens ang bumilib sa aktor sa pagmamahal nito sa kanyang ina.

“Super bait talaga ni Ion sa kanyang pamilya kakatuwa ,God bless you more idol,, pareho kayo ni Meme Vice na generous pagdating sa pangangailangan ng inyong pamilya,, stay safe & happy always,” saad ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Si Meme Vice at Si Ion talaga ang bagay kasi pareho silang mahal ang mga magulang at buong pamilya nila. Keep safe Ion,”

 

Related Chika:
Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!
Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

The post Ion Perez ibinandera ang ipinapagawang dream kitchen para sa ina appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments