Responsive Ad

Diether humingi ng paumanhin sa kinasangkutang aksidente; nagtamo lang ng bukol at galos

Diether Ocampo

HUMINGI ng paumanhin ang aktor na si Diether Ocampo matapos masangkot sa aksidente nitong nagdaang Biyernes, Feb. 4, sa kahabaan ng Osmeña Highway sa Brgy. Pio del Pilar,  Makati City.

Naglabas ng official statement ang Kapamilya actor hinggil sa insidente kung saan nag-sorry nga siya sa lahat ng mga naapektuhan ng pangyayari.

Ayon kay Diet, pauwi na raw siya sa kanyang bahay galing sa isang meeting nang mangyari ang aksidente. 

“On February 3, 2022, I had a long and exhausting meeting which last until almost midnight. As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck,” simulang pahayag ng aktor.

Nagpapasalamat din siya dahil wala nang ibang nasaktan nang bumangga ang minamaneho niyang Ford Explorer sa nakahintong garbage truck sa may service road ng Osmeña Highway bago dumating sa Arnaiz Avenue.

“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party.

“I am extremely grateful that I emerged unscathed except for a bump in the head and some bruises. I am very thankful for God’s continuous mercy and protection,” sabi pa ni Diether.


Nagpasalamat din siya sa mga  tumulong sa kanya kabilang na ang mga miyembro ng Philippine Red Cross para madala agad siya sa ospital.

“Thank you sincerely to everyone onsite, from the people who called for help, the first responders, and especially to the Philippine Red Cross personnel who rushed me to the hospital.

“I also wish to express my gratitude to the doctors, nurses, and staff at the Makati Medical Center for taking very good care of me. 

“I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private. Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes,” dagdag ng aktor.

Bago nagsalita si Diet, naglabas din ng pahayag ang Star Magic last Friday para kumpirmahin ang nasabing aksidente.

Diether Ocampo sugatan matapos mabangga sa Makati

Diether 7 taon nawala sa showbiz, naging choosy na ba sa projects?

Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako

The post Diether humingi ng paumanhin sa kinasangkutang aksidente; nagtamo lang ng bukol at galos appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments