Responsive Ad

Singer na si Angeline Quinto, ibinahagi sa publiko ang “law of attraction” na pinost niya sa kaniyang social media account!

Marahil ay madalas na nating naririnig sa ibang tao o nababasa sa social media ang mga salitang “Law of Attraction”. Ito ay ang pag-iisip at paniniwala natin na kaya nating makamit ang isang bagay kung magsusumikap lamang tayo.

Kung aangkinin natin kaagad ang tagumpay at gagawin natin ang ating parte upang makamit natin ito ay tiyak na walang magiging imposible sa nais nating mangyari. Tulad na lamang halimbawa ng ibinahaging karanasan ng sikat na singer at aktres na si Angeline Quinto.

Ibinahagi niya kasi sa kaniyang “Instagram account” kung paanong naisapamuhay niya ang “Law of Attraction” na ito. Nagbahagi din siya ng kaniyang lumang “yearbook” kung saan makikita ang mga katagang “nothing is impossible. To be a professional singer someday.”

Makikita rin ang larawan niya sa gilid ng mga katagang ito at nilagyan pa niya ng caption na “Law of Attraction”. Hindi nga nagtagal ay talagang naging isang mahusay at sikat siyang mang-aawit.
Siya ang tinanghal na kampeon ng “Star Power” noong 2011. Hindi lamang siya naging isang matagumpay namang-aawit dahil sa maging ang pag-arte ay nasubukan na rin niya.

Nakagawa siya ng ilang mga pelikula at programa sa telebisyon. Ang bago niyang proyekto sa ngayon ay ang teleseryeng “Huwag Kang Mangamba”. Hindi naging madali ang buhay para kay Angeline kahit naman noong bata pa siya kung kaya naman talagang pinanghawakan niya ang pangarap niyang ito na sa ngayon ay kaniya na ngang nakamit. Tunay nga na kung gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para sa iyong pangarap ay walang magiging imposible para sa iyo. Hindi lamang ito para sa personal mong interes kundi para na rin sa kinabukasan at kaginhawan ng iyong pamilya.

Kung kaya naman gaano man kahirap ang buhay, kahit pa napakarami nang mga bagay at karanasan na tila nagpapahiwatig na imposible mong makamit ang iyong ninanais, huwag na huwag kang susuko. Gawin mo pa rin ang lahat nang iyong makakaya upang sa bandang huli ay hindi ka magsisi.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments