Responsive Ad

Rosmar Tan inintriga pagsakay sa private jet; inisyu sa BIR, flood control 

Rosmar Tan inintriga pagsakay sa private jet; inisyu sa BIR, flood control 
Rosmar Tan at Jerome Pamulaklakin

PINATULAN ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan ang mga nang-iintriga sa kanyang mga ari-arian at kayamanan.

Kinukuwestiyon ngayon ng mga netizens ang lifestyle ni Rosmar at ng kanyang pamilya at ikinokonek pa sa maanomalyang flood control projects.

Isang netizen ang nagkomento sa post ni Rosmar sa Facebook kung saan makikita sila ng kanyang asawang si Nathan Harrison o mas kilala rin bilang Jerome Pamulaklakin na pasakay ng private jet pauwi sa Manila mula sa pagbabakasyon.

Sa naunang post ni Rosmar ay may mga nag-comment na  galing lang daw sa Google ang kanyang mga ipinost na pictures. 

Kaya naman ipinamukha niya sa mga bashers na totoo ang kanyang sinasabi at hindi lang gawa-gawa ang post niya. 

Ni-repost ni Rosmar ang isang komento mula sa kanyang FB follower. Mababasa rito, “Don’t block me. I’m not at all a basher, just a curious netizen. 

“Your name has been circulating online allegedly linked to the flood control scandal, with screenshots and photos supposedly to your own account. 

“How do you explain this photo I attached? Also, you claim to be a BIR brand ambassador, but I couldn’t find any official record confirming it. 

Baka Bet Mo: ‘Piso per parcel’ na pakulo ni Rosmar Tan sa negosyo ilegal – DOLE

“Care to show the receipt? And before you delete or block me, I already took a screenshot of my comment.”

Ang caption dito ni Rosmar, “Di ko na kasalanan kung di mo kaya mag rent ng private plane. Sa pagkakaalala ko nasa 300k lang naman po yan.

“Compare sa ibyahe ko mga anak ko ng matagal ulit sa van ng almost 7 hours. I guess sa Palawan yan. 

“Kapag di mo afford manahimik na lang. Hindi ung tumatahol po. And I thankyou!” pambebengga ni Rosmar sa netizen.

Hirit pa niya sa comments section ng kanyang post, “Tapos lalagyan nyo pa ng baka kay ako bicol ekek ung plane? Heller nasa PALAWAN talaga kami nyan. HAHAHA wala sa bicol.”

The post Rosmar Tan inintriga pagsakay sa private jet; inisyu sa BIR, flood control  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments