Julia Barretto, Bianca Umali payag sumabak sa GL: GAME!

IN FAIRNESS, trending at nag-viral ang sweet photo nina Bianca Umali at Julia Barretto sa social media.
Ito ang dahilan kung bakit may clamor ngayon ang fans and supporters ng dalawang aktres na gumawa at magbida sa isang Girls’ Love o GL project.
Ang naturang litrato, kung saan makikitang nakayakap si Bianca kay Julia ay para sa promo plug ng kanilang upcoming movie na “Always Yours, Never Mine” with Joshua Garcia under Star Cinema.
Sa grand mediacon ng nasabing pelikula, natanong sina Bianca at Julia kung game ba silang sumabak sa GL movie.
Sagot ni Bianca, open naman daw siya na muling makatrabaho si Julia. Nagkasama na raw sila noon sa shoot ng isang shampoo brand pero iba pa rin daw ang experience sa paggawa ng movie.
“If the right project comes, I mean, why not?” sey ng Kapuso star.
“It’s a good conversation in time to have this kind of expansion in everyone’s careers, everyone is in the collaboration era,” aniya pa.
Sey naman ni Julia, hanga rin siya sa husay ni Bianca bilang aktres. In fact, isa raw sa pinaka-favorite niyang eksena sa pelikula ay yung magkasama sila.
Baka Bet Mo: Joshua Garcia fresh na fresh, yummy pa rin; no to ‘haggard era’
“I think coming together and having the conversation in that scene was so moving. I’m excited for a lot of other women to see and resonate with it,” anang aktres.
At game rin daw siya na gumawa ng GL kasama si Bianca, “It’s a material we’ll wait for, at the right time, but game!”
Samantala, kasama rin sa “Always Mine, Never Yours” sina Joy Barcoma, Karen Reyes, Bob Jbeili, Migs Almendras, at Chanda Romero.
Mula sa direksyon ng box-office filmmaker na si Cathy Garcia-Sampana, showing na ang pelikuka sa mga sinehan simula sa September 30.
The post Julia Barretto, Bianca Umali payag sumabak sa GL: GAME! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments