Nigerian-British influencer namatay matapos magpalaki ng ari, anyare!?

MASAKLAP ang naging kapalaran ng isang content creator na pumanaw matapos padagdagan ang size ng kanyang pagkalalaki.
Kinilala ang Nigerian-British social media influencer at businessman na si Igho “Tiny” Ubiribo, na napabalitang namatay kasunod ng isang cosmetic procedure para sa pagpapalaki ng ari sa Bangkok, Thailand.
Base sa mga report ng international media organization, noon pang March 6, 2026 pumanaw ang 43-anyos na vlogger pero six months daw muna ang lumipas bago nabunyag ang dahilan ng kanyang pagkamatay after ng isinagawang inquest sa London.
Batay sa sinasabing record ng Inner West London Coroners’ Court, tinurukan umano si Ubiribo ng tinatayang 40 mililitro ng hyaluronic acid na may halong lidocaine sa isang clinic sa Bangkok last March 5.
Ang naturang non-surgical procedure ay para dagdagan ang girth o laki ng ari ng biktima o ang tinatawag na penis enlargement.
Matapos ang isinagawang procedure sa Thailand nagpamasahe umano si Ubiribo kasama ang asawang fashion designer na si Danielle Simba Allen.
Kasunod nito, base sa nangyaring inquest, nagsimula raw makaramdam ng pananakit ng dibdib at dalawang beses na nawalan ng malay ang biktima habang nasa massage.
Isinugod agad si Ubiribo sa Sukhumvit Hospital, kung saan nabatid ang tungkol sa isinagawang filler injections sa biktima at pagkatapos nito ay isinailalim sa post-mortem examination sa United Kingdom ang labi nito.
Baka Bet Mo: Alvin Aragon nagbabala, ang ari raw ng lalaki ay para lamang sa babae
Sa hearing, sinabi umano ng pathologist na si John du Parcq na nakakita ng cellular material sa baga ni Ubiribo na tumugma naman sa hyaluronic acid na ginamit sa procedure.
Ipinahiwatig nito na nakapasok ang filler sa kanyang mga ugat hanggang sa umabot sa baga. Ayon kay Coroner Jean Harkin, pulmonary embolism sanhi ng pinagdaanang procedure para palakihin ang pagkalalaki ang naging dahilan ng pagkasawi ni Ubiribo.
Ayon sa isang health website, ang pulmonary embolism ay isang seryosong kondisyon kung saan nababara ang daluyan ng dugo patungo sa baga, na maaaring magdulot ng kamatayan kapag hindi agad naagapan.
Hindi na naka-survive si Ubiribo after ng mahigit 100 minutong CPR hanggang sa ideklara na nga siyang patay alas-1:05 ng madaling-araw last March 6.
The post Nigerian-British influencer namatay matapos magpalaki ng ari, anyare!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments