Responsive Ad

Khalil Ramos inatake ng anxiety dahil kina Sharon, Barbie, John

Khalil Ramos inatake ng anxiety dahil kina Sharon, Barbie, John
Khalil Ramos, Barbie Forteza at Sharon Cuneta

INAMIN ng actor-singer na si Khalil Ramos na nag-overthink siya nang simulan nilang gawin ang family drama series na “Honor Thy Mother.”

Isa si Khalil sa cast ng serye mula sa collaboration ng Dreamscape Entertainment, GMA 7 at Prime Video na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Barbie Forteza at John Estrada.

“Noong tinanggap ko ang project na ito admittedly kinakabahan talaga ako hindi lang dahil sa first project ko ito with Dreamscape in so long. 

“Kumbaga makakatrabaho ko ulit ‘yung mga taong nakatrabaho ko noong nagsimula ako,” ang pahayag ni Khalil sa panayam ng media.

“Hindi lang ‘yun, kung hindi I’m working with some of the best actors in industry — Ms. Sharon Cuneta, Ms. Barbie, si Kuya John (Estrada). As in I really had to bring my ‘A’ game. 

Pero nang tumagal-tagal na ang kanilang taping, nawala ang lahat ng takot at kaba niya dahil sa bonggang pag-welcome at pagsuporta sa kanya ng cast at ng buong production.

“As in sobrang in-overthink ko only to experience pagdating ko sa set lahat ng anxiety ko sobrang it was completely gone dahil I felt so accepted, hindi lang as an actor but as a person. 

“‘Yung mga kasama ko grabe, sobra silang genuine,  some of the best people I’ve ever encountered, super the  best ‘yung experience ko so far,” sey ni Khalil.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza bet magkadyowa ng afam: ‘Manifesting!’

Sinang-ayunan din ng aktor ang sinabi ni Sharon sa grand mediacon ng “Honor Thy Mother” tungkol sa pagkakaroon nila ng “super happy set.” 

“Hindi lang kami happy, lagi kaming busog. Ang saya-sayang magtrabaho at pumasok sa trabaho na sila ang kasama mo. Super happy set,” sey ng boyfriend ni Gabbi Garcia.

Ginagampanan ni Khalil sa nasabing family drama ang karakter ni Enzo, ang chief-of-staff ni Diana Aragon played by Sharon na siyang nanay naman ni Barbie na gumaganap bilang Patricia.

The post Khalil Ramos inatake ng anxiety dahil kina Sharon, Barbie, John appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments