Responsive Ad

Nico Waje bumwelta sa fake news, blind items; nagsampa ng cyberlibel complaint

Nico Waje bumwelta sa fake news, blind items; nagsampa ng cyberlibel complaint
PHOTO: Screengrab from Facebook

HINDI nagpatinag si dating GMA reporter Nico Waje sa mga umano’y pag-atake at pagpapakalat ng fake news laban sa kanya.

Sa halip, nagsampa siya ng cyberlibel complaint sa Office of the City Prosecutor–Quezon City nitong Biyernes, August 28, ilang araw matapos irekomendang i-dismiss ang kasong acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment na isinampa laban sa kanya ng dati niyang kasamahan na si Athena Imperial.

Kasama ni Nico sa paghahain ng reklamo ang kanyang misis at legal counsel na si Atty. Leo Lalusis. 

Hindi pa agad ibinunyag kung sinu-sino ang mga respondent na nakalista sa reklamo.

Baka Bet Mo: Kaso ni Athena Imperial laban kay Nico Waje ibinasura

Ayon kay Atty. Lalusis, ilang buwan nang nakararanas si Nico ng umano’y pag-atake, kabilang na ang pagpapakalat ng fake news at blind items tungkol sa kanya.

“For the past months, si sir Nico inatake ng mga fake news, blind items. ‘Yung evidence naman namin basically is ‘yung mga published articles na posted nitong mga certain individuals na ito,” sey ni Lalusis na iniulat ng INQUIRER.

Hindi naman muna nagbigay ng detalye ang kampo ni Nico tungkol sa mga taong sangkot sa reklamo.

“As of now, we cannot disclose yet ‘yung parties involved but definitely they will be issued a subpoena for them to answer the allegations against them,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Nico na haharapin niya ang lahat ng mga kinakaharap niyang isyu upang maprotektahan ang kanyang pamilya at malinis ang kanilang pangalan.

Matatandaang noong Mayo, nagsampa si Imperial ng acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment complaint laban kay Nico.

Noong Hunyo naman, naghain si Nico ng kanyang counter-affidavit at mariing itinanggi ang mga alegasyon ni Imperial, sinabing walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.

The post Nico Waje bumwelta sa fake news, blind items; nagsampa ng cyberlibel complaint appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments